28.5 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Sen Dela Rosa lumahok sa Senate inquiry tungkol sa ‘bayadan’ sa pagpapalagda para sa PI

- Advertisement -
- Advertisement -

ITO ang bahagi ng kanyang Opening Statement bilang miyembro ng Committee on Electoral Reforms and People’s Participation.

Graphic mula sa Facebook page ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa

“I would like to thank Madam Chairman, Sen. Imee Marcos for leading this Senate inquiry to ferret out the truth on the alleged payoffs and misrepresentation in the signature campaign for People’s Initiative. We also look forward to today’s discussion on the very important issue [of] the adequacy of R.A. No. 6735 as an enabling law for the constitutionally-established system of People’s Initiative as a means to introduce amendments to the constitution.

At this juncture, I would like to commend the Comelec, led by Chairperson Garcia, in suspending all their proceedings relative to the ongoing Politician’s Initiative.

Kahit po sinuspinde ng Comelec ang pagtanggap ng mga pirma, kailangan pa rin nating bigyang linaw kung paano at sino ang mga nanloko sa ating mga kababayan para makakalap ng pirma para sa Politician’s Initiative.

Layon po natin na mabunyag at bigyan ng mukha at katauhan ang mga nagpasimuno ng panlilinlang at pagsasamantalang ito. Sa panahon na atin na silang matukoy, siguro ay maaaring isama ng komiteng ito, sa pangunguna ng ating Chairperson, na makabuo ng rekomendasyon na magsampa ng kaukulang mga kaso. Papanagutin natin ang mga mapagsamantala at manloloko.

Nais po natin na hindi na maulit ang ganitong mga insidente kung saan animo’y itinulak sa bangin ang ating mga kababayan. Pinupuwersa nila at ginigipit ang ating mga kababayan, lalo na ang mga naghihirap na ipagbili ang kanilang mga dangal kapalit ang kakarampot na salapi. Ang higit na masakit sa kalooban, ang mga ulat na pera mismo ng gobyerno ang ginamit upang isakatuparan ang maitim na balak na ito.

Kung mayroon pang hihigit sa paglalarawan na “iginisa sa sariling mantika”, Ginang Pangulo, ay hindi ko na alam.

Noong nakaraang linggo, nagsagawa kami ng pagdinig sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa Ayuda Scam. Napag-alaman namin na direktang ninakawan ang mga taong nakatanggap ng ayuda galing sa gobyerno. Mula sa limang libong piso, isang libong piso lamang ang naiuwi ng ating mga mahihirap na benepisyaryo.

Ilegal at kasuklam-suklam ang ganitong gawain. Ngunit nagmukhang maliit na eskandalo pa ito kung ikukumpara sa Politician’s Initiative na mas karimarimarim at kung tutuusin ay halos nakakapandiri na sa kawalanghiyaan at kapal ng mukha. Sa Bisaya pa, “way ulaw, way uwaw.”

Kung sa nabanggit na Ayuda scam na aming inimbestigahan ay apat na libong piso ang ninakaw [mula] sa ating mga kababayan, kinabukasan naman po ang gustong kamkamin ng mga buwitreng nagsulong ng Politician’s Initiative. Pekeng inisyatiba. P. I., pansariling interes.

Tama po ang sinabi ng ating kasamahan dito sa Senado, kaluluwa ng bayan ang ninanakaw ng mga oportunistang nagkukubli sa likod ng mga pirma ng ating mga walang-muang na kababayan. Kung iyong pagnanakaw po ng apat na libong pisong ayuda ay hindi natin pinalampas, ito pa kayang pandarambong sa kinabukasan ng ating bayan?

Palihug lang, ayaw intawon ninyo pahimusli ang kapobrehon sa atong mga kaigsuonang Pilipino. This is the part that is most painful, most unacceptable for me. For self-seeking individuals to capitalize on poverty, using it to their advantage, advancing their ambition. We simply cannot let this slide.

Tiwala po ako na sa pangunguna ng ating Chairperson, Senator Imee Marcos, hindi lamang maisisiwalat ang katotohanan, mabibigyan din natin ng katarungan ang ating mga kababayan na pinagsamantalahan. Silang mga pinaglaanan ng ayuda ng ating pamahalaan ngunit napilitang ibenta ang kanilang lagda at dignidad. Daghang salamat, Senator Imee sa pagtindig!

Sa ating mga kababayan, nananawagan po kami sa inyo, kasama ang panawagan ng ating Comelec, maaari nyo pong bawiin ang inyong pirma na sapilitang kinuha sa inyo ng Politician’s Initiative. Huwag po natin hayaang magtagumpay ang mga mapanlinlang at masasamang loob na gustong nakawin ang kinabukasan ng ating bayan.

 

 

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -