27.2 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

WHO sa mundo: Limitahan ang paggamit ng ‘nakamamatay’ na trans fat

- Advertisement -
- Advertisement -

INIULAT ng World Health Organization (WHO) sa Geneva, Switzerland noong Lunes, Enero 29, na halos kalahati ng populasyon ng mundo ay sakop na ngayon ng mga patakaran na naglilimita sa trans fat sa mga pagkain at hinikayat ang mga nahuhuling bansa na humabol.

The WHO appealed in 2018 for industrially produced fatty acids in foods to be eliminated worldwide by 2023 amid evidence they caused 500,000 premature deaths every year.

Umapela ang WHO noong 2018 para sa mga industriya na gumagawa ng fatty acid sa mga pagkain na alisin sa buong mundo pagsapit ng 2023 sa gitna ng katibayan na naging sanhi ng maagang pagkamatay ng may 500,000 katao bawat taon.

Ang target ay hindi naabot at pinalawig hanggang 2025.

Ngunit 53 bansa na sumasaklaw sa 46 porsiyento ng populasyon ng mundo ang nagpapatupad na ngayon ng mga patakaran sa pinakamahusay na kasanayan sa nakalalasong substance — mula sa 11 bansa at 6 na porsiyento noong 2018.

Tinataya ng WHO na humigit-kumulang sa 183,000 buhay sa isang taon ang naliligtas.

“Trans fat has no known health benefit, but huge health risks,” (“Walang benepisyo ang trans fat sa kalusugan, ngunit malaking panganib sa kalusugan,”) sabi ng pinuno ng WHO na si Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang pahayag.

“We are very pleased that so many countries have introduced policies banning or limiting trans fat in food,” (“Lubos kaming nalulugod na napakaraming bansa ang nagpasimula ng mga patakarang nagbabawal o naglilimita sa trans fat sa pagkain,”) aniya.

Pitong bansa ang nagpatupad ng mga patakaran sa pinakamahusay na kasanayan noong 2023: Egypt, Mexico, Moldova, Nigeria, North Macedonia, Pilipinas at Ukraine.

Pagbara sa mga arterya

Ang solidified oil na bumabara sa mga arterya sa paligid ng puso ay kadalasang ginagamit sa mga packaged foods, baked goods, cooking oil at mga palaman tulad ng margarine.

Food producers use trans fat because they allow a longer shelf life and are cheaper than some alternatives.

Gumagamit ang mga paktorya ng pagkain ng trans fat dahil mas mahaba ang buhay ng pagkain at mas mura kaysa sa ilang alternatibo.

Ang pinakamahusay na kasanayan sa pag-aalis ng trans fat ay nangangahulugang alinman sa isang mandatoryong pambansang limitasyon na 2 gramo ng industriyal na ginawang trans fat bawat 100 gramo ng kabuuang taba sa lahat ng pagkain; o isang pambansang pagbabawal sa paggawa o paggamit ng mga bahagyang hydrogenated na langis, na isang pangunahing pinagmumulan ng trans fat.

Noong Lunes, iginawad ni Tedros ang mga kauna-unahang sertipiko ng WHO na nagpapatunay ng pag-unlad sa pag-aalis ng mga trans-fatty acid na gawa sa industriya, sa isang seremonya sa punong tanggapan ng ahensya ng kalusugan ng United Nations sa Geneva.

Ang mga nakatanggap ay ang Denmark, Lithuania, Poland, Saudi Arabia at Thailand.

Upang maging karapat-dapat, dapat ipatupad ng mga bansa ang pinakamahusay na kasanayan, at pagkatapos ay i-back up ito sa mahigpit na pagsubaybay at mga sistema ng pagpapatupad.

Ang mga sertipikadong bansa ay kailangang magsumite ng na-update na data bawat tatlong taon upang mapanatili ang kanilang katayuan.

Hinimok ni Tedros ang ibang mga bansa na sundin ang kanilang pangunguna, at nanawagan para sa mga pag-uusap upang mapanatiling libre sa trans fat ang industriya ng pagkain.

‘Mapanganib’ at ‘hindi kailangan’

Danish Ambassador to the UN in Geneva Ib Petersen said policies adopted in Denmark are thought to have reduced coronary heart disease in the country by 11 percent.

Sinabi ni Danish Ambassador sa UN sa Geneva Ib Petersen na ang mga patakarang pinagtibay sa Denmark ay nagpababa ng coronary heart disease sa bansa ng 11 porsiyento.

“It is the most financially disadvantaged groups who will benefit the most,” (“Ang mga pinaka-financially disadvantaged na mga grupo ang higit na makikinabang dito,” sabi niya sa seremonya.

Ang mga sakit sa cardiovascular ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Tinatayang 17.9 milyong tao ang namatay mula sa naturang mga sakit noong 2019, kung saan 85 porsiyento ay dahil sa atake sa puso at stroke.

Ang pag-alis ng mga trans fats ay isang madaling paraan upang mabawasan ang mga numero.

“Trans fat elimination is economically, politically and technically, feasible and saves lives at virtually no cost to governments or consumers,” (“Ang pag-aalis ng trans fat ay matipid, pulitikal at teknikal, magagawa at nagliligtas ng mga buhay nang halos walang gastos sa mga pamahalaan o mga mamimili,”) sabi ni Tom Frieden, presidente ng nonprofit na organisasyon na Resolve to Save Lives, na nakikipagsosyo sa WHO sa trans fat.

“This harmful compound is unnecessary, and no one misses it when it’s gone.” (“Ang nakakapinsalang trans fat ay hindi kailangan, at walang maghahanap dito kapag nawala ito.”)

Frieden, a former director of the US Centers for Disease Control and Prevention, warned though that countries without regulations risked becoming trans fat “dumping grounds.”

Si Frieden, isang dating direktor ng US Centers for Disease Control and Prevention, ay nagbabala sa mga bansang walang mga regulasyon na nanganganib ang mga ito na maging “dumping grounds” o “tapunan” ng trans fat. Halaw sa ulat ng The Manila Times/Agence France Presse

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -