28 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

Paglikha sa center for disease control isinusulong ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

KASUNOD ng pagdeklara ng gastroenteritis outbreak sa lungsod ng Baguio, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang paglikha sa Philippine Center for Disease Prevention and Control.

Isa si Gatchalian sa mga may akda ng Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC) Act (Senate Bill No. 1869) na layong itatag ang Philippine Center for Disease Prevention and Control. Ang panukalang center ang mamumuno sa forecasting, pagsusuri, estratehiya, at pagbuo ng mga pamantayan para sa pag-iwas at pagsugpo ng mga sakit. 

Dahil sa pagkakaroon ng gastroenteritis outbreak sa Baguio City, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang paglikha ng Philippine Center for Disease Prevention and Control. Larawan kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Maliban sa pagbuo ng mga estratehiya, pamantayan, at mga polisiya para sa pagsugpo ng sakit, magiging responsibilidad din ng naturang center ang pagpapatupad ng disease surveillance at field epidemiology, ang pagpapatayo ng mga public health laboratories, at ang pagkakaroon ng lokal na kapasidad para sa surveillance at health research.

 

Nakasaad din sa naturang panukala na magiging mandato sa mga probinsya, mga lungsod, at mga munisipalidad, na iangkop sa kanilang mga nasasakupan ang mga pamantayang bubuuin ng CDC. Upang patatagin ang lokal na kapasidad para sa disease surveillance, magiging mandato sa mga local government units (LGUs) na bumuo at magpondo ng mga Epidemiology and Surveillance Units, at mga posisyon para sa mga kinakailangang Disease Surveillance Officers at field epidemiologists.

Noong Biyernes, Enero 12, naitala ng Baguio City ang 2,764 na kaso ng gastroenteritis o inflammation o pamamaga sa digestive system. Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na may fecal contamination sa isa mga pinagkukunan ng tubig ng lungsod.

 

“Nakita natin noong panahon ng pandemya ng Covid-19 at sa naging outbreak sa Baguio City kung gaano kahalaga ang isang matatag na sistemang pangkalusugan sa pagsugpo ng anumang uri ng sakit. Kaya naman patuloy nating isinusulong ang paglikha ng Center for Disease Prevention and Control upang matiyak na may sapat na kakayahan ang ating bansa na sugpuin ang pagkalat ng mga sakit,” ani Gatchalian.

Inihain din ni Gatchalian ang Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) Act of 2022 (Senate Bill No. 825). Ang panukalang VIP naman ang magsisilbing pangunahing institusyon sa research and development pagdating sa virology, viruses, at mga viral diseases sa mga tao, hayop, at mga halaman. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -