TUMULAK papuntang Hanoi, Vietnam noong Lunes, Enero 29, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr para sa dalawang araw na state visit.
Kasama si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos, ilang kalihim ng kanyang gabinete, at iba pa ay dumating sa Noi Bai Airport. Mainit silang tinanggap doon ng mga opisyal ng pamahalaan ng Vietnam.
Nangako ang Pangulo na palalakasin ng pagbisitang ito ang pakikipag-tuwang sa Vietnam sa iba’t ibang larangan tulad ng maritime cooperation, defense, trade, education, at turismo.
Dagdag pa ng Pangulo, “We look forward to engaging in fruitful discussions and building a stronger partnership during this visit.” Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office