NAGBIGAY ng kanyang talumpati si Senador Joel Villanueva sa ginanap na JIL Church Worldwide Prayer and Vision Casting 2024. Narito ang kanyang pahayag.
Alam niyo po, natutuwa po ako at nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat binigyan niya tayo ng pagkakataong ito na magsama-sama, magtipon-tipon, manalangin, hindi lang para sa ating sarili, kung ‘di para sa ating minamahal na bayan.
Gusto ko lang pong i-share yung sa John 8:31-32. Ang sabi po doon, “To the Jews who had believed him, Jesus said, ‘If you hold my teaching, you are really my disciples. Then you will know the truth, and the truth shall set you free.'”
Napakalinaw po. Ang Panginoong Hesus ang nagsasalita dito. The word of God is the revealer of truth. The word of God is the revealer of truth.
Bakit po ba importanteng lumabas ang katotohanan?
Sapagkat ang katotohanan ang magpapalaya sa atin. Bakit tayo kailangang lumaya? Sapagkat maraming tanikala ng kaaway. Tanikala ng kahirapan. Tanikala ng korapsyon. Tanikala ng mataas na presyo ng bilihin. Tanikala ng kawalan ng trabaho.
Kailangan ng katotohanan. Sapagkat ‘pag na-realize natin ang problema, alam din natin ang solusyon. At ‘pag nakuha natin ang katotohanan, ang katotohanan ang magpapalaya po sa atin.
Bakit kailangang malaman ang katotohanan? Kayo po may kakainin na bukas, o sa makalawa. Pero may mga iba, arawan ang sweldo, arawan kung meron silang ipapakain. Pag-gising nila sa umaga, ang prayoridad nila, “Papaano ko pakakainin ang pamilya ko? Paano ako kikita para makabili ng gamot sa aking mahal sa buhay?” Ito ho ang prayoridad nila. Ito po ang nais tutukan ng Senado for the past years. At ‘yan ang tina-trabaho po natin.
Ngunit nakakasalukasok na marinig, makita sa telebisyon, iyon pong ginagawang pekeng initiative. Pekeng initiative, bakit po? Pinipilit po na sabi, taumbayan ang may gusto nito. Pero ngayon, kitang-kita na po na talagang ‘yung mga nasa Kongreso, sa pangunguna ng kanilang Speaker, ay ang nag-pu-push nitong Charter Change na kung saan wala nang eleksyon, wala nang makikialam sa kanila, wala nang makikialam na kung ano ang gusto nila, sila na ang masusunod. ‘Yung mga negosyo niyo, napag-tripan, kukunin na lang namin ‘yan. Wala nang checks and balances.
Ito po ang dahilan kung bakit passionate ang mga senador. Hindi ho dahil gusto nilang i-abolish ang Senate. ‘Yun po yung napakamaling kasinungalingan. Bakit? Kung ayaw ng tao sa Senado, kung ayaw ng tao ng good governance, kung gusto ng tao na wala nang eleksyon at ‘yung mga nasa naghaharing-uri na lang ang masusunod sa ating bayan, okay lang po kasi taumbayan may gusto niyan, e.
Pero kung ito po’y binabayaran, kung ito po ay may panlilinlang, may panloloko, may pananakot, kailangan po lumaban tayo.
Iyon pong nakaraan na OCTA na survey, ang sabi po doon, isang porsyento sa Pilipinas, nag-iisang porsyento na Pilipino ang nakakaisip na kailangan na magkaroon ng Cha-Cha at ito ay urgent. Isang porsyento. Ninety-nine percent wala po na nagsasabi.
Pero ang sabi po ng binasa natin kanina, ang katotohahan ang magpapalaya sa atin. Ang katotohanan ang magpapalaya sa bayan. ‘Yun po ang bottom line bakit kami naririto. Nais naming i-report sa inyo kung anong nangyayari. Nais naming sabihin sa inyo ano ang epekto ng masamang hangarin ng mga naghaharing-uri at gusting manatili sa pwesto until kingdom comes.
Napakahalaga po ng katotohanan sapagkat ang katotohanan nag-po-promote ng righteousness. Sabihin nga po natin, “righteousness.”
Sabi po ng Proverbs 24 [14] :34, “Righteousness exalts a nation, but sin is a disgrace to any people — is a reproach to any people.” Ang kasalanan is a reproach to any people. Pero ang righteousness, ‘yan lang po ang tinitingnan ng Diyos para itaas ang ating minamahal na bayan. Wala pong righteousness kung puro kasinungalingan at panlilinlang ang umiikot sa ating kapaligiran.
Sabi po ng Bibliya, “Government should be under the throne of God.” How many of you believe that? Government should be under the throne of God.
May hindi nagpapasakop dahil ang gusto nila sila ang Diyos. Sila lang ang masusunod. Walang pwedeng sumita sa kanila. Kung anong gusto nila, ‘yun lamang ang masusunod. Kaya po siguro, ipapaulit ko po and i-re-remind, magtatapos na po ako — sabi po ng Proverbs 25:5, sabi po ng Panginoon, “Remove…” — ito ho ‘yung panalangin ni Senator Imee kanina
— “remove wicked officials from the king’s presence, and his throne will be established through righteousness.” ‘Yan po ay hindi sinabi ni Joel. Sabi po ng Diyos ‘yan, Proverbs 25:5. We need to remove wicked officials from the king’s throne, from the king’s presence. Dahil sabi po ng Proverbs 29:2 din, “When the righteous are in authority, the people rejoice. But when the wicked rules, the people mourn.”
‘Yan po ang sinabi ng Banal na Kasulatan. Ito po’y ni-re-remind ko lang ang bawat isa sa atin. Kung tunay tayong nagmamahal sa Diyos at sa bayan, i-preach natin ang katotohanan. I-pursue natin ang righteousness. Because again, righteousness exalts a nation, but sin is a reproach to any people.
And last, but not the least, I wanted to share Psalms 33. Ang sabi po doon, “Blessed is the nation whose God is the Lord.” Amen.
Kaya po kami naririto, humihingi po kami ng tulong sa panalangin. Humihingi po kami ng tulong para i-pursue ang righteousness, para i-preach ang truth o ang katotohanan. Sapagkat ang katotohanan ang magpapalaya sa atin.
Hindi po natin dapat kuhanin na lang, i-accept na lang ‘yung nangyayaring kalokohan, sikmurain na lang natin, sige na, uminom ka na rin. Kasi ho ‘yung iba diyan umiinom ng tubig punong-puno ng kalawang. Pero hindi na sumasakit ang tiyan, sanay na, e.
Tayo pong mga tunay na anak ng Diyos, alam po natin kung sino ang boss natin. Sino lang ang ating ipini-please — walang iba kung ‘di ang ating Panginoon na siyang may-ari ng bansang Pilipinas at ng JIL Church.
Maraming salamat po. Magandang hapon and God bless you all. Thank you. Teksto mula sa pabalita ng Senate of the Philippines at mga larawan mula sa Facebook page ni Senator Joel Villanueva