28.5 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Mas pinaigting na hakbang kontra krimen, tututukan ng Quezon PNP

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGKATUWANG na paiigtingin ng pamahalaang lalawigan ng Quezon at ng Quezon Provincial Police Office ang mga hakbang nito upang mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Ito ay kasunod ng kahilingan ni Gov. Angelina Tan sa ginanap na New Year’s Call ng kapulisan kamakailan kasama si Quezon PPO Director P/Col. Ledon Monte.

Ayon kay Tan, makatutulong ang mas pinaigting na koordinasyon upang mas mapababa pa ang bilang ng mga krimen at iba pang insidente sa lalawigan ng Quezon.

Ibinahagi naman ng Quezon PPO ang kanilang mga programang naipatupad para sa taong 2023. Kabilang dito ang  kampanya  kontra terorismo, iligal na droga, krimen, gambling, iligal na pangangahoy at pangingisda, at ang mga hakbang na naisagawa sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa lalawigan.

Kabilang din sa dumalo sa maikling programa sina P/Col. Marlon Rufo, hepe ng Regional Training Center Calabarzon ng Philippine National Police, at Atty. Owen De Luna, regional director ng National Police Commission Calabarzon.

Samantala,  pinangunahan ng gobernadora  ang ceremonial toast bilang simbolo ng mas pinagtibay na paghahatid ng maayos na serbisyo para sa ligtas at payapang lalawigan ng Quezon. (Ruel Orinday-PIA Quezon)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -