28.5 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

China: Sa dulo ng paglalakbay tungo sa progreso ng Pilipinas

ULTIMONG BIGWAS

- Advertisement -
- Advertisement -

MALAKING kamalian lagi na karaniwan sa mga pagsusuri ng pag-unlad ng Pilipinas ay ang pagpapalipat-lipat ng diin mula sa isang paksa tungo sa isang panibago na ang lumilitaw na pamantayan ng pagdiin ay dahil ito ang matunog na isyu ng panahon. Mauunawaan, halimbawa, na sa isang panahon mula sa pagsilang ng republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946, ang pamahalaan ay nakapokus sa pagpapanibagong-tatag ng bansa mula sa pagkawasak dulot ng kararaang digmaang pandaigdig, bagaman nakapagtutuon na ng pansin sa papalakas na paninindak ng Huk. Matatandaan na sa panahong iyon hindi pinaupo ng pamahalaang Elpidio Quirino ang anim na nanalong kandidato sa pagka-kongresista ng Democratic Alliance, ang ligal na partido pulitikal ng kilusang Huk, na nakapagtamo ng ibayong kalakasan sa Gitna at Timog Luzon nang mga panahong iyun.   Madali pa ring unawain kung bakit ang sumunod na administrasyon ni Presidente Ramon Magsaysay ay pumukos sa pagdurog sa rebelyong huk. Panloob na kapanatagan ng bansa ay kondisyon sa pagtatamo ng walang hadlang at ganap na ekonomikong pag-unlad. Makikita sa kasaysayan na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay tumungo sa pagtahak sa daan ng sosyalismo ng mga bansang papaunlad pa lamang.   Ang mga bansa ng Silangang Europa at Silangang Asya ay pumaloob na lamang sa Unyong Soviet na natatag bilang sosyalistang bansa sa 10-araw na pagbabalikwas na noong 1917 ay nagpabagsak sa daan-daang taong dinastiyang Romanov. Ipinakita nito ang katamaan ng Marxistang panuntunan na ang kapangyarihang pulitikal ay nagmumula sa bunganga ng baril. Subalit sa bagay na ito, mahalagang unawain na oras na ang isang bagong sistemang panlipunan ay naging institusyon na sa isang bahagi ng mundo, ang mga lumang sistema sa palibot ng mundo ay basta na lamang pumapaloob dito.

Ang Pilipinas na isang sistemang alipin sa pananakop ng Kastila noong 1571 ay naipaloob sa piyudal na sistemang dala ng mga kolonyalistang Kastila. At pagkaraang ang mga piyudal na panginoon ng Pransya ay maigupo ng mga burgis sa Rebolusyong Pranses noong 1848, pumailanlang ang kapitalismo sa Europa. Ang naging epekto nito sa Pilipinas ay payabungin ang sistemang asyenda mula sa dating sistemang encomienda, na sa katunayan ay ang mukha ng piyudal na pamumuhay sa bansa. Ang mga encomienda ang panimula ng sa kalaunan ay naging mga probinsya ng Pilipinas. Sa pag-iral ng mga ito bilang sistemang asyenda, naging mga malalawak na taniman ito ng abaka (para gawing pisi), niyog (para gawing kopra), tubo (para gawing asukal), at tabako (para gawing sigarilyo at tabako) – para ipalamon sa mga higanteng kapitalistikong empresa ng Europa. Dito kitang-kita na bagama’t tila nanatili sa piyudal na kalakaran ang pamumuhay ng Pilipinas, ang panlipunang sistema ay masasabing isang departamento na lamang ng pandaigdigang kapitalismo. Namayani ang kapitalismo sa pagdomina sa mundo hanggang sa agawin sa pamamagitan ng simpleng pag-aresto ng Bolshevik ni Lenin sa gabinete ng burgis na gobiyernong Kerensky na natatag nang ibagsak nito ang rehimeng Czar ng Romanov dynasty sa rebolusyong 1917. Mula noon, gaya ng nabanggit na sa unahan, sosyalismo na ang naging dominanteng kaayusang panlipunan sa mundo.

Dangan nga kasi, sa sandaling ang isang bagong kaayusang panlipunan ay naging institusyon na sa isang panig ng mundo, ang mga lumang kaayusang panlipunan sa paikot ng mundo ay parang mga piraso ng bakal na mababalani rito. Mauulit, ganun nahigop ng Unyong Sobyet ang mga nakilalang satellite states ng Silangang Europa at mga estado ng Silangang Asya.

Subalit, teka, ang China ay dumaan sa 5-taon giyera sibil bago naluklok sa puwesto ng kapangyarihan ang Communist Party of China (CPC); hindi ito basta pumaloob na lamang sa Unyong Sobyet.

Wasto ba ito?


Natatag ang CPC noong 1920, binubuo ng di lalagpas sa 20 ang bilang ng mga kasapi. Simula 1938, sinalakay na ng Hapon ang China, at ang malaking partido ng Kuomintang ang bumalikat sa pagdepensa kontra sa agresyong Hapones. Kuomintang ang kinilala ng Unyong Sobyet bilang tagapagtanggol ng bansa at tinagubilinan  ang CPC na pumaloob na lamang sa Kuomintang sa paglaban sa Hapones.

At ang CPC ay buong kababaang loob na tumalima.

Sa pagbaka sa mga Hapones, natuka sa CPC ang kanayunan; ang Kuomintang sa mga sentrong pamayanan. Nagawa, samakatwid, ng CPC ang mag-organisa ng puwersa na sapat upang isagawa nito ang klasikong estratehiya ni Mao Zedong na “pagsalakab sa mga siyudad sa pamamagitan ng mga kanayunan.” Ito ang estratehiya na sa pagtatapos ng giyera sibil noong 1949, nagbunga sa tagumpay ng CPC sa kabuuan ng Mainland China at ang Kuomintang ay naitaboy sa maliit na isla ng Formosa, kinalaunan makikilala sa tawag na Taiwan.

Balik sa tanong: Basta na lang ba pumaloob ang China sa sosyalistang kaayusan ng Unyong Soviet gayong kinailangang dumaan ito sa 5-taon na giyera sibil bago naluklok sa kapangyarihan?

- Advertisement -

Di ba nga ganon ang nangyari nang sumunod ang CPC sa tagubilin ng Communist Party of the Soviet Union (CPSU) na pumaloob na lamang ito sa Kuomintang sa giyera kontra Hapones? Buo ang suporta ng USSR sa Kuomintang hanggang sa maitaboy ang mga Hapones; walang ibang pinaggagaran ang CPC ng sosyalistang pamamahala, kahit man lang sa diwa, kundi ang Unyong Sobyet. Dadaan pa ang maraming dekada bago kumalas ang CPC sa pundiyo ng Unyong Sobyet at sa masinop na pag-sasapraktika sa mga aral na bunga ng pagsulong ng kaunlarang Chino ay nabuo sa pamumuno ni Presidente Xi Jinping ang modernong teorya ng sosyalismong may mga katangiang Chino.

Sa nakaraang New Year Media Party na handog ng Embahada ng China sa Dusit Thani Hotel noong Enero 17, 2024, tinalakay ni Chinese Ambassador Huang Xilian kung papaanong ang ganitong kalidad ng sosyalismo ay naipalaganap na sa buong daigdig sa pamamagitan ng Belt and Road Initiative (BRI) ni Presidente Xi Jinping – na ayon sa mga pinakahuling datos ay nakapagpundar na ng kaunlaran sa dalawang-katlong (⅔) bahagi ng mundo.

(May karugtong)

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -