28.5 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Pinyapel Pulp exhibit binuksan sa Senado sa pagdiriwang ng Zero Waste Month

- Advertisement -
- Advertisement -

BINUKSAN ang Pinyapel Pulp exhibit sa Senado katuwang ang Design Center of the Philippines (DCP) nitong Enero 22, 2024.

Post ni Pro Tempore Senador Loren Legarda sa kanyang Facebook page, “Napakagandang paraan para ipagdiwang ang Zero Waste Month ngayong Enero.

“Ngayong araw, binuksan natin ang Pinyapel Pulp exhibit sa Senado katuwang ang Design Center of the Philippines (DCP). Gawa sa mga dahon ng pinya, ang Pinyapel ay nakikita bilang alternatibo sa single-use plastics. Ang eksibit ay nagtatampok ng kabuuang 85 artisanal at industrial products.”

Himok ni Legards, “Suportahan natin ang gawang Filipino na hindi lamang nagtataas ng antas ng disenyo at halaga ng mga produkto ng Pilipinas ngunit nagbibigay din ng makabuluhang kontribusyon sa isang mas luntiang kinabukasan. Bisitahin ang Pinyapel Exhibit sa Senado mula Enero 22 hanggang Enero 25, 2024.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -