PUWEDENG sumakay sa Pasig River Ferry Service (PRFS) na may dalang bike. Siguraduhin lamang na regular bike, folding bike, at mga stand up scooters ang dala.
Paalala: Hindi nagsasakay ang Pasig Ferry ng mga malalaking bikes tulad ng electric vehicles o e-bike.
Nananatiling libre ang pamasahe, ligtas, at mabilis ang biyahe sa PRFS.
Magtungo lamang sa isa sa 11 istasyon: Pinagbuhatan, San Joaquin, Kalawaan, Guadalupe, Valenzuela, Sta. Ana, Lawton, Escolta, Hulo, Lambingan, at Quinta.
Teksto at larawan mula sa MMDA Pasig River Ferry Service Facebook page