NAKU Juan, may balita ako sa yo!
Ano yun, Uncle?
Yung anak ko papadalhan daw kami ng auntie mo ng monthly allowance namin para sa gastusin dito sa bahay. Alam kasi nya na kulang naman iyong pensyon na natatanggap namin. Kaya ayan, solve na problema ko sa budget!
Masaya ba talaga, Uncle, pag tinutulungan ka ng anak mo?
Oo naman, Juan. Hindi lahat ng anak ay may kusang tumulong. Kaya masuwerte kami sa mga anak namin.
Uncle, dapat ba talagang tumulong sa magulang? Paano naman ako? Parang kulang pa nga sa kin ang kinikita ko.
Sabi nga ng anak ko, Juan, dapat naman talagang tumulong ang anak sa magulang. At ang pagtulong, hindi lang naman daw pera kung di marami pang ibang paraan.
Hindi na katakataka na marami sa mga katatapos lang ng kolehiyo hanggang sa sila’y mag-asawa ang tumitira sa bahay ng kanilang mga magulang. Isa sa mga dahilan kung bakit ay para makatipid sila o makaipon habang hindi pa stable ang pamumuhay.
Ang iba nama’y humiwalay na’t nagsarili, single man o may pamilya, at tumayo na sa sarili nilang paa.
Pero hiwalay man daw o hindi, hindi ka pa rin makakaiwas sa isyu ng pagtulong sa magulang. At sa kultura ng mga Pilipino, ang pagtulong ay normal ng inaasahan mula nung mga una pang henerasyon.
Ako ay tumulong din sa aking mga magulang. Sinuportahan ko ang pagbabayad ng bahay nila at mga gastusin nilang medikal hanggang sa sila’y pumanaw. Nung sila’y nabubuhay, lahat ng mga magandang karanasan na puede nilang ikasaya sa pagkain o materyal na bagay ay pinagkaloob ko din. Sa awa ng Diyos, iyon ay magaan sa aking loob at hindi naman kami pinabayaan sa aming mga pangangailangan bilang pamilya. Ang paniniwala ko’y sa aking mga magulang galing lahat ang narating ko sa buhay, kaya dapat lang na suklian ko sila ng higit pa sa binigay nila sa kin.
Sa pakikipagugnayan ko sa millennial at Gen Z, nagbabago na ang pananaw tungkol sa pagtulong sa magulang. May mga katanungan sila na nahihirapan kong unawain pero dala na rin siguro ito ng kanilang mga karanasan o nakita sa kanilang pamilya nung sila ay lumalaki:
1. Bakit daw sila gagawing retirement fund ng magulang nila?;
2. Bakit hindi sila nag-ipon at ngayo’y aasa sa mga anak?;
3. Bakit sila nag-anak para maging obligasyon kong tulungan sila?;
4. Bakit ko sila pasasanayin na tumanggao ng pera mula sa akin, tapos pag di na ko magbigay, maşama na akong anak?;
5. Bakit kailangan kong magpapressure sa iba na gusto at kaya nilang magbigay sa magulang kung hindi naman ako komportableng gawin yun?; at
6. Bakit ako lang sa aking mga kapatid ang inaasahan? Dahil ba sa ako ay single at walang pamilyang ginagastusan?
Mahirap sagutin yan. Pero inuulit ko ang sinabi ng anak ko na walang isyu ang pagtulong. Dapat tumulong. Pera man o iba pang paraan.
Agree naman ako dyan. Kasi yan din naman ang kultura na nakita ng mga anak ko sa aming pamilya.
Siguro, para sa mga tumutulong, magbibigay na lang ako ng tips para hindi maging pabigat ang mga magulang sa anak. Ayaw naman namin yun. Mahalaga pa rin ang inyong financial well-being. Tamang tulong ang minumungkahi ko. Na may magandang balanse sa sariling buhay na pinansyal pa rin, hindi ka maagrabiyado at handa ka pa rin sa sarili mong kinabukasan. Paano? Ito ang tinatawag kong 6 Ts na pagtulong sa magulang:
T- alk about it. Pagusapan ninyo ng magulang mo kung ano ba talaga ang kailangan. Maraming magulang ang hindi magsasabi ng pangangailangan nila kahit sila ay talagang hirap na. Nahihiya sila o di kaya’y takot silang mareject. Sa paguusap, malalaman kung ano ang kaya mo at ano pang ibang paraan na puedeng gawin. Kung ang mga magulang ay hindi rin masyadong marunong sa pag-ayos ng mga pinansyal na bagay, puedeng magtulungan na iwasto ang mali at gawin ang tama.
T- igilan ang guilt trip. Hindi Ibig sabihin na kapag hindi nakapagbigay ng tulong ay isa ka ng anak na walang hiya, walang awa o walang pagmamahal sa magulang. Kailangan maging makatotohanan din. Lalo na kung ang mga magulang ay hindi tama ang pagiisip at paguugali tungkol sa pera o kabuhayan. Paintindihin mong mabuti kung bakit hindi mo pa magagampanan ngayon ang hinihiling na tulong. Pero may aayusin ka rin sa sarili mo para makatulong sa tamang panahon.
T- andaan ang savings goals. Hindi makasarili ang işipin ang savings goals, may sarili ka mang pamilya o wala. Hanapin mo ang tamang balanse ng kaya mong itulong na hjndi nakokompromiso ang iyong ipon o budget. Mahirap namang Ibigay mo lahat at sa dulo’y pag nangailangan ka, ikaw pa rin ang tutulong sa iyong sarili.
T- o borrow or not to borrow. Hindi masamang mangutang basta alam mo ang kapasidad mong magbayad. Pero sana uutang lang tayo ng halaga na kaya nating bayaran. Minsan di maiiwasan na mangutang lalo na’t sa mga biglaang gastusing medikal ng magulang o mga life or death na situwasyon sa pamilya. Natural lang na pilitin ang lahat na makakaya para harapın ang ganitong problema. Humingi ng tulong sa kapwa pamilya o kaibigan.
T- iwala sa sarili. Dapat di mawala ang tiwala sa iyong kapasidad na kumita pa ng mas malaki para mas higit pang makatulong at maging handa parati sa mga situwasyong kritical o mabigat. Sabi ko nga, mahalaga ang financial stability at malaki ang kinslaman ng isang mapagpalang trabaho, career o negosyo dito.
T- ratuhin ang magulang ng maayos at may pagmamahal. Kahit anong sabihin, walang makakapantay sa biyayang makukuha mo kung mapagsilbihan at mapasaya ang magulang natin. Kalimitan, lalo na sa mga OFW o malalayong anak na minsan lang madalaw ang magulang, hindi namamalayan na tumatanda sila ng mabilis at higit na kailangan nila ng suportang pinansyal sa pangaraw-araw na pamumuhay. Lalo na dito sa Pilipinas na hindi sapat ang pensyon sa pagbili ng gamot o ang PhilHealth sa pagkakasakit. Mahirap tumanda sa bayan nating mahal, kahit pa sabihin mong ikaw ay nakaipon ng kaunti. Kukulangin ka pa rin sa taas ng presyo ng bilihin, kuryente, o gamot para mabuhay ng disente. Hindi maiiwasang dumepende ang ordinaryong ama o ina ng pamilyang Pilipino sa kanilang mga anak na kakayanin at gugustohing sila ay mabuhay ng maayos.
Pano, Juan, tumutulong ka ba sa magulang mo? Sana all.