INILAHAD ni Mayor Marcy Teodoro ang kanyang State of the City Address (SOCA) sa 2nd Regular Session ng 10th City Council ngayong araw sa Session Hall ng Marikina Legislative Building.
Sa kanyang SOCA, ipinahayag ni Mayor Marcy ang mga proyeto, programa at serbisyong naisakatuparan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa buong taong 2023. Kabilang sa mga ito ay sa larangan ng: Social Protection and Sensitivity na sumasaklaw sa Health, Sanitation, Education, Welfare Services, Palupa at Community Support; Safety, Peace, and Order para sa mas ligtas at panatag na mga komunidad, patunay ang crime solution efficiency na 86.75 porisyento at crime clearance efficiency na 99.6 porsiyento;
Infrastructure Development, Disaster Preparedness, and Environmental Management na kinabibilangan ng pinataas na kakahayan ng lungsod na maging matatag laban sa hamon ng pagbaha, pagkakaroon ng Community Spaces, at mga dagdag na Imprastraktura;
Local Economy, Heritage and Tourism, and Sports Development na kinabibilangan ng matagumpay na pagdaraos ng 63rd Palarong Pambansa, pagpapalakas ng Sports Development para sa mga kabataan, pagpapasigla ng komersyo sa lungsod kasama ang suporta sa industriya ng sapatos, pagbibigay ng business tax exemption sa mga qualified carinderia at sari-sari store, amnestiya sa mga negosyo, pagpapalawig ng business permit renewal deadline, atbp.; at Financial Administration and Sustainability kung saan kabilang ang 97 porsiyento tax collection efficiency rate sa Real Property Tax at 114 porsiyento naman sa Business Tax, pagtatayo at pamamahala sa Multi-Level Parking, at marami pang ibang kahalitulad na programa na mahalaga upang masustena ang patuloy na pagsasakatuparan ng mga proyeto, programa at serbisyong laan para sa mga taga-Marikina.
Taos-pusong pasasalamat din ang ipinaabot ni Mayor Marcy sa sigasig at pagtutulungan ng mga taga-Marikina na nagbunsod upang makatanggap ang lungsod ng mga pagpupugay mula sa national government agencies tulad ng Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), at mga sertipikasyon mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DoH), at iba pang mga institusyon.
Ang State of the City Address ay dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa Lungsod ng Marikina. Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng Marikina PIO