PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang pagpapasinaya ng ‘Pasig Bigyang Buhay Muli.’ Ito’y alinsunod sa Executive Order no. 35. s. 2023 na layuning mabalik ang sigla ng makasaysayang Ilog Pasig.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBBM ang mga benepisyo ng proyekto gaya ng makakalikasang imprastruktura, dagdag oportunidad sa paghahanap-buhay, turismo, at transportasyon.
Siniguro naman ng Pangulo ang tuloy-tuloy na pagtutok sa inisyatiba para masiguro ang tagumpay nito.
Ayon sa Pangulo, “We envision civic spaces where our children will play, our seniors relax, families will exercise, artists can showcase their talents, and the creative can display their wares.” (“Nakikita namin ang mga civic space kung saan maglalaro ang ating mga anak, ang ating mga nakatatanda ay nagrerelaks, ang mga pamilya ay mag-eehersisyo, ang mga artist ay maaaring magpakita ng kanilang mga talento, at ang malikhain ay maaaring magpakita ng kanilang mga produkto.”
Dagdag pa niya, “We want it to be a permanent exhibit area of green technology that works—from solar lights to rain harvesting facilities— sustainable practices like urban gardens.” (“Gusto nating maging permanenteng exhibit area ito ng green technology na gumagana—mula sa solar lights hanggang sa rain harvesting facility—sustainable practices gaya ng mga urban garden.”
Ang Pasig Bigyang Buhay Muli project ay pangungunahan at gagabayan ni First Lady Louise Araneta-Marcos kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Teksto at mga larawan halaw sa Facebook page ng Presidential Communications Office