26.6 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Tamang waste management isinusulong ng MMDA

- Advertisement -
- Advertisement -

SA pagtaas ang volume ng plastic waste, aktibong gumamit ng eco-friendly na mga produkto at kagamitan na pwede mo pang i-reuse.

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga sustainable materials, nakakatipid ka mula sa paulit-ulit na pagbili ng disposables na karamihan ay dumidiretso sa sanitary landfill.

Maliit lamang na bagay pero malaking impact sa kalikasan.

Isinusulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tamang waste management na bahagi ng Metro Manila Flood Management Project (MMFMP) Phase 1.

Samantala, isinusulong din ng MMDA ang paged-clutter ng mga gamit lalo na ngayong umpisa ng 2024.

Kung ginagawa mo na ito. Tingnan muna kung ano-ano ang mga maaari mo pang…

Ma-Recycle
Ma-Reuse
Ma-Repurpose
Ma-Repair
Ma-Reduce

I-check ang mga bagay na pwede pang mapakinabangan bago itapon upang mabawasan ang dami ng basura na pwedeng maging sanhi ng pagbabara ng mga estero at iba pang daluyang tubig.

Ang tamang solid waste management sa household ay isa sa isinusulong ng Metro Manila Flood Management Project kung saan kabilang ang MMDA. Teksto at graphics mula sa Facebook page ng MMDA

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -