26.6 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Mga bagong gusali ng Pasig City General Hospital, pinasinayaan

- Advertisement -
- Advertisement -

PORMAL na pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang dalawang bagong gusali ng Pasig City General Hospital (PCGH) kamakailan.

 

Pinangunahan nina Pasig City Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, at iba pang mga opisyales ng lungsod at PCGH ang pagpasinaya ng mga bagong gusali.

Ayon sa pamahalaang lungsod, nauna ang inagurasyon ng 3-storey building na nagsisilbing Autoclave at Laundry Facility. Ang Autoclave ay isang makinarya na gumagamit ng steam (high temperature) at pressure para mapuksa ang mga bacteria, virus, fungi, spores (at iba pa) na gamit pang sterilize sa mga ospital katulad ng PCGH.

Sinundan naman ito ng inagurasyon ng bagong renovate na 4-storey Supply Building. Matatandaang nasunog ang parte ng 4th floor ng Supply Building noong May 2021. Sa kasalukuyan, ang 2nd at 4th floor ay nagsisilbing supply area, ang 1st floor ay Oncology at 3rd floor naman ay Hemodialysis area.

Ang mga pasilidad na ito ay makakatulong sa patuloy na pagpapabuti ng health/medical services ng isa sa city-owned hospitals sa Lungsod Pasig. (Pasig City/PIA-NCR)

Mga larawan mula sa Pasig PIO

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -