BORACAY ISLAND, Aklan — NANANAWAGAN ang mga negosyante at residente ng kilalang tourist destination na ito na matinding naapektuhan ng pandemya kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na pagtuunan ng pansin ang muling pagbangon ng turismo sa kanilang lugar kapag nanalo ito sa darating na halalan sa Mayo 2022.
Kilala sa pino at mala-gatas na buhangin at kulay asul na tubig, ang Boracay ang itinuturing na nangungunang tourist spot sa bansa at kilala ring malaki ang ambag sa ekonomiya.
Bago mag-pandemya, ang naturang isla ay nakaaakit ng mahigit dalawang milyong turista at nag-ambag ng P56 bilyon na buwis sa pamahalaan, ayon na rin sa record ng Department of Tourism.
Pero dahil din sa maraming problema sa isla, tulad ng pagkasira ng naturang lugar dahil sa matagal itong naabuso at napabayaan, napilitan ang administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte na ipasarado ito at isailalim ang buong isla sa “state of calamity” may dalawang taon na ang nakalilipas.
Matapos ang maraming isyu ukol sa isla, muli Itong binuksan sa publiko, pero hindi pa halos nakakabawi ang lugar, kasunod naman nito ang pagpasok ng Covid19 sa bansa.
Hindi maiwasan na muling isara ang Boracay na nagdulot ng pagkalugi sa negosyo sa lugar at maging ang mga residente ay nawalan ng kita dahil tanging sa turismo sila kumukuha ng kanilang ikinabubuhay sa Isla.
“Only one died from Covid, but at least 14 perished from ‘lubid,’” ayon sa negosyanteng si Elena Tosco
“There are social injustices and there were people and businessmen who were displaced here. These problems were aggravated by the pandemic. In general, everyone here were affected and the way things are going right now only someone with political will who understands our plight can help us rise from our predicaments,” dagdag niya.
Ayon kay Tosco laganap ang walang trabaho, nasirang relasyon ng pamilya at depresyon sa isla dahil sa pandemya.
Kabilang pa sa isyu sa Isla ang nakatakda umanong take-over ng Boracay Island Development Authority (BIDA) sa kanilang lugar.
“We are looking at these developments in the island and the May elections that will decide who will be our next leader would be very crucial to who we are and what we are doing here,” ani Tosco.
“Whoever can give us the assurance that the rights that we have been fighting for will be heard — no one will be displaced, the issue of the power of imminent domain, the continuous demolitions without relocations – these things are what triggered us to look for someone who can help us, and by all indications Mr. Marcos is in a position to win,” ayon naman sa local broadcaster na si Allan Palma.
Ayon kay Palma, mahigpit nilang binabantayan ang mga plataporma o plano ng mga kandidato sa kanilang lugar.
“They want to hear categorically what Marcos will have to say, because from the looks of it he doesn’t want people to be displaced and he doesn’t want businesses to shut down,” aniya.
Iginiit naman ni Tosco na kailangan ng maayos na polisiya ng pamahalaan na nakabase sa “science” at “cadastral map” para sa maayos na pagtititulo sa Isla. Ang “cadastral map” ay “general land administrative tool, which has no real legislative basis and often created to be used by a broad range of people for all manner of things including real estate sales, valuation, and planning.”
Inihayag pa ni Palma na 98.5% ng mga orihinal na residente sa Boracay ay walang titulo ng lupa at napakadali na mapaalis sa kanilang mga tirahan sa isang kumpas lamang ng nakaupo sa pwesto.
Idinagdag pa nila na ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocol sa Lugar ang isa pa rin sa nakakabawas sa mga turista.
Sa huli, iginiit ng mga negosyante at mga residente na umaasa sila sa panawagan ni Marcos na pagkakaisa, “but we want to start here in Boracay because we are sitting on a very volatile situation which could lead to the loss of our businesses and properties.”