26.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Paano makahingi ng ayuda mula sa AICS ng DSWD?

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ay isang programa na hatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay may layuning magbigay tulong sa ating mga mahihirap o mga nasalantang kababayan upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan.

Mayroong iba’t ibang uri ng tulong pinansyal ang ibinibigay sa ilalim ng AICS.

Medical Assistance

Funeral Assistance

Educational Assistance

Transportation Assistance

Food Assistance

Cash & other Assistance

Ito ang mga proseso na pagdadaanan upang makahingi ng tulong pinansyal sa DSWD AICS:

Magpunta sa pinakamalapit na DSWD Field Office sa inyong lugar.

Step 1: Screening

Dalhin ang kinakailangang mga dokumento dahil ito ay ichecheck ng DSWD officers.

Step 2: Interview and Assessment

Iinterbyuhin at ia-assess ng social worker ang hinihinging tuloy at magbibigay ng rekomendasyon ukol sa panuntunan ng programa.

Step 3: Review and Approval

Ang ginawang assessment at rekomendasyon ng social worker ay irereview saka ito ay aaprubahan ng approving officer.

Step 4: Pagbigay ng Cash Assistance

Ang inaprubahan na assistance ay ibibigay na sa benepisyaryo.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa 289318101; o bisitahin ang kanilang website: https://aics.dswd.gov.ph (Gelaine Louise GutierrezPIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -