SA unang bahagi ng artikulong ito (https://www.pinoyperyodiko.com/2024/01/15/balita/ngcp-balak-kasuhan-bilyones-na-halaga-ng-danyos-hinihingi-ng-taga-rehiyon-vi/4775/) tinalakay ang posibleng pagbabayad ng bilyon-bilyong danyos ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kung mapapatunayan na may pagkukulang ito sa naganap na apat na araw (mula Enero 2 – 5, 2024) na blackout sa buong Isla ng Panay kamakailan. Tinalakay din ang Philippine Grid Code Review at kung bakit nag-blackout. Narito ang huling bahagi ng artikulo.
Emergency State
Ayon kay Energy Regulatory Commission (ERC) Commissioner Monalisa Dimalanta, may anim na parameters na isinasaad ang PGC kung kailan maituturing na emergency na ang sitwasyon.
Sa pangalawa pa lamang na parameter, ayon sa ERC chief, ay napapahinto na sila. Nagpokus si Agustin sa grid frequency at voltage na ayon kay Dimalanta ay ilan lamang sa six parameters na dapat ikonsidera upang masabing ang grid ay nasa normal na estado pa.
Base sa isinasaad ng grid code, isa nang alert o emergency ang nangyari, saad ni Dimalanta.
“Emergency na siya because for an emergency state in Section 6223 of the Grid Code, it says emergency
State — any of the following conditions exist: generation deficiency or operating margin is zero,” aniya.
Rebisahin ang prangkisa
Nasa naturang pagdinig din si Senador Grace Poe na nauna nang nagpahayag na kinakailangang malaman kung natutupad ba ng NGCP ang obligasyon nito base sa kanilang prangkisa.
Suportado rin ng Department of Energy (DoE) ang inisyatiba ng Kongreso na muling bisitahin ang prangkisa ng NGCP.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, sa hiwalay na pahayag nito, na kailangang rebisahin ang prangkisa ng NGCP o kaya ay alisin at ibigay sa iba ang grid operator function nito.
Kabilang sa mga iminungkahi ng DoE sa Kongreso na rebisahin nito ay ang mga sumusunod: Paghihiwalay at paglipat ng systems operation (SO) function mula sa NGCP upang makapag-focus ito sa kanyang transmission network provider function; payagan ang ERC na pagmultahin ng P2 million kada araw dahil sa paglabag sa mga panuntunan o isang porsyento ng halaga ng mga naantalang proyekto base sa ERC-approved project cost, o kung alinman ang mas mataas, at rebisahin ang special tax privilege ng NGCP na nagbabayad lamang ng 3-porsyentong franchise tax.
Reset rates
Nauna nang ipinag-utos ng Pangulo sa ERC na i-reset ang rates ng NGCP.
“I have also directed the ERC to complete the reset of NGCP’s rates without further delay, to ensure NGCP’s compliance with its statutory and regulatory obligations, and to defend in no uncertain terms against any attempt to defer, delay, or prevent the implementation of regulatory measures,” sabi ng Pangulo sa isang video message.
Bagamat nanumbalik na ang kuryente, ang nangyari ay nagdulot ng pagdurusa ng mga residente, pagkalugi ng mga negosyo at kabuhayan at paglalagay sa kapahamakan ng mga nangangailangan ng lunas sa mga ospital.
Maharlika interesadong mamuhunan sa NGCP
Samantala, naiulat na interesado naman ang Maharlika Investment Corporation (MIC) na mag-invest sa NGCP.
na suportado nya ang panukala ni Speaker Martin Romualdez na mag-invest ang korporasyon sa NGCP.
“The National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) is the backbone of our nation’s power system, and its stability is inextricably linked to the Philippines’ economic and social well-being. I fully endorse Speaker Martin Romualdez’s proposal for the Maharlika,” ani MIC president and chief executive officer Rafael Consing Jr.
Kaugnay nito, nagpahayag si NGCP Assistant Vice President for Public Relations Cynthia Perez-Alabanza na hindi makagagandang paghiwalayin ang SO at transmission construction functions ng kompanya.
“When NGCP came on board it was to come to the aid of an ailing transmission system. We have done our job and that was part of the terms of the concession that the government bid out and this is not a negotiated contract,” ani Perez-Alabanza.