28.8 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Platform-based forum na sulong ng UniTeam itinaas ang kalidad ng debateng pang-eleksyon

- Advertisement -
- Advertisement -

TILA nagbunga ng maganda ang matagal nang isinusulong ng UniTeam na “platform-based” na talakayan sa mga debate sa halalan para maiwasan ang maruming pulitika at batuhan ng putik na inaayawan na ng mga botante.

Nakita ng marami na ang inorganisang presidential debate ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa Okada Manila Hotel and Resorts nitong Martes, ang siyang ideyal na format ng debate para ang mga kandidato ay malayang makapaghayag ng kanilang mga plataporma at adbokasiya ng walang bangayan.

Tumagal ng halos apat na oras ang debate na may tatlong bahagi na dinaluhan ng presidential frontrunner na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., dating tagapagsalita ng Malakanyang na si Ernesto Abella, labor leader Leody De Guzman, at dating defense chief Norberto Gonzales.

Kabilang naman sa mga panelist ng debate sina UP Professor Dr. Clarita Carlos, The Manila Times President at CEO Dante “Klink” Ang II, dating Iloilo Cong. Rolex Suplico, at SMNI senior correspondent MJ Mondejar.

Lahat ng kandidato ay pinayagang makasagot ng dalawang minuto sa mga tanong ng panelist at pinapayagan ding mag-rebuttal.

Hindi naman maiwasan ng mga miyembro ng panel na gisahin ang mga kandidato sa mga maiinit na isyu tulad ng West Philippine Sea, foreign policy, agrikultura, ekonomiya, edukasyon, insurhensiya at iba pa.

Lumutang naman si Marcos sa pagpapaliwanag niya ng kanyang mga plataporma at iba pang mga priority programs.

Ayon sa nakararami, ang platform-based debate ang pinakatama at pinakamaayos na porma ng debate sapagkat nabibigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na maipaliwanag ng maayos ang kanilang mga posisyon na hindi kailangang magbangayan sa isat-isa.

Maraming nanood ang nagsabi na “game-changer” umano ang naturang debate ng SMNI dahil inilabas nito ang mas mahahalagang paksa sa halip na mag-focus sa “gutter politics.”

Naiiba rin daw ang format ng SMNI sa ibang debate na kadalasan ay nauubos ang oras ng mga kandidato sa pagtatanggol sa mga personal na atake sa kanila na kadalasan ay nasisira pa ang konsentrasyon sa pagsagot dahil may mga kasamang mga manonood at mga taga-suporta na nakikisawsaw at nanggugulo sa debate.

Kadalasan ay dismayado ang taumbayan dahil hindi nila naririnig ang mga plataporma at plano ng kandidato sa kanila.

Matagal nang iginigiit ni Marcos at kanyang running-mate na si vice-presidential candidate Sara Duterte, na hindi sila makikisali sa negatibong pangangampanya.

Kahit noong tumakbo siya ng 2016 bilang bise-presidente ito na rin ang matagal na panawagan ni Marcos.

“Now and during the campaign period, we candidates should present to the electorate discourses, speeches, and statements that are issue-based and in a dignified and decent manner,” ani Marcos noong 2016 elections.

Iginigiit naman ng UniTeam ang kanilang panawagan na pagkakaisa at sama-samang pagbangon muli mula sa hagupit ng pandemya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -