NAGSAGAWA ang DSWD Region II ng Special Assessment sa 118 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa mga lugar ng Ilagan City, Benito Soliven, at San Mariano sa Isabela noong Enero 3 hanggang 6.
Personal na nagtungo ang mga kawani ng National Household Targeting Section sa tirahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps, katuwang ang mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), child development workers (CDWs), municipal link, lokal na pamahalaan, at mga barangay officials.
Ang mga benepisyaryo ng 4Ps, na sumailalim sa naturang assessment, ay mga sambahayan na hindi napabilang sa Listahanan 3 database na kung saan tinutukoy ang kanilang pangsosyo-ekonomikong kakayahan gamit ang Household Assessment Forms (HAFs). Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng Department of Social Welfare and Development