26.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Mas malalim at malakas na bilateral ties sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia layunin ng pagbisita ni Pangulong Widodo

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang arrival honors para sa opisyal na pagbisita ni Indonesian President Joko Widodo ngayong ika-10 ng Enero 2024.

Ang tatlong araw na pagbisita ni Presidente Widodo ay naglalayong palalimin at palakasin ang bilateral ties ng Pilipinas at Indonesia.

Nakasama ni Pangulong Marcos Jr. si Indonesian President Widodo sa isang bilateral meeting ngayong Miyerkules, Enero 10, 2024 na sinundan ng paglagda sa Memorandum of Understanding tungkol sa Cooperation in the Field of Energy, at isa pang MoU sa science and technology na nalalapit nang matapos.

Nagkasundo ang Pilipinas at Indonesia na maging magkatuwang para palakasin ang kanilang relasyon sa defense and secutiry, trade at maging sa imprastruktura para maharap ang mga hamon sa rehiyon.

Pagkatapos ng paglagda sa MoU ay nagbigay ng Leades’ Statement si Pangulong Marcos at Pangulong Widodo.

Pinuri ni PBBM si Widodo sa matagumpay na pagiging chairman ng Asean noong 2023 ang pinasalamatan ito dahil si Pangulong Widodo ang unang head of State na bumisita ngayong 2024.

“As neighbors, we must remain united in addressing the many challenges that our region now faces,” (“Bilang magkakapitbahay, dapat tayong manatiling nagkakaisa sa pagtugon sa maraming hamon na kinakaharap ngayon ng ating rehiyon,”) sabi ni Pangulong Marcos.

Tinugon ni Pangulong Widodo si Pangulong Marcos at nangakong patuloy na makikipagtulungan sa Pilipinas lalo na sa depensa at seguridad, kalakalan, gayundin sa pagpapaunlad ng imprastruktura.

“I’m delighted about positive progress about implementation of our two countries’ action plan which need to be followed up with concrete steps to strengthen collaboration, especially in two areas of cooperation,” (“Natutuwa ako sa positibong pag-unlad tungkol sa pagpapatupad ng plano ng aksyon ng ating dalawang bansa na kailangang sundan ng mga kongkretong hakbang upang palakasin ang pakikipagtulungan, lalo na sa dalawang larangan ng kooperasyon,”) sabi ni Widodo sa kanyang pambungad na pananalita sa ginanap na  bilateral meeting kay Marcos. Teksto at mga larawan halaw ni Lea Manto-Beltran mula sa Presidential Communications Office Facebook page.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -