BILANG pagkilala sa kanyang galing at dedikasyon sa pagtataguyod ng batas at hustisya, pormal nang kinilala ng Quezon City Government si Supreme Court Associate Justice Maria Filomena Singh bilang isa sa 2023 Manuel Luis Quezon Gawad Parangal awardees.
Mismong sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang nag-abot ng plake kay Justice Singh sa flag-raising ceremony kaninang umaga.
Si Justice Singh ay 11 taong nagsilbi sa QC. Noong 2002, nai-appoint siya bilang Presiding Judge ng Branch 31 ng Metropolitan Trial Court of Quezon City na kalaunan ay naging Executive Judge nito. Noong 2007, na-promote naman siya bilang Presiding Judge ng Branch 85 ng Regional Trial Court of Quezon City.