25.4 C
Manila
Martes, Disyembre 31, 2024

Bise Presidente Sara Duterte nakibahagi sa pagdiriwang ng 31st National Children’s Month Culminating Ceremony

- Advertisement -
- Advertisement -

INALALA ni Bise Presidente Sara Duterte ang kanyang pagdalo sa 31st National Children’s Month Culminating Ceremony sa kanyang Facebook page post na Inday Sara Duterte.

“Masaya ako na nakibahagi sa 31st National Children’s Month Culminating Ceremony sa Taguig City noong Nobyembre.

“Binigyang-diin ng  pagdiriwang ng 2023 National Children’s Month ang kahalagahan at oportunidad sa paggamit at de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan para sa ating mga kabataan.

“Kinikilala natin ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at kolaborasyon sa iba’t ibang sektor sa ating lipunan para mapangalagaan at maproteksyunan ang ating mga kabataan.”

Dagdag pa niya, “Bilang Secretary ng Department of Education patuloy po tayong gumagawa ng mga hakbang na mapanigurado ang magandang kinabukasan ng ating mga kabataan tulad ng pagdagdag ng pondo para sa ating School- Based Feeding Program dahil nakikita natin ang problema sa malnutrisyon ng mga kabataan. Kaya ngayong taon, ilulunsad natin sa Department of Education ang ‘Cath-Up Friday” para masolusyunan at maiangat ang “reading performance” ng ating mga mag-aaral.”

Kinilala rin niya ang mga ginagawa ng Council for the Welfare of Children.

“Pinupuri ko ang ginagawa ng Council for the Welfare of Children sa pakikipag-ugnayan sa ating mga Lokal na Pamahalaan para sa pagbibigay ng mga serbisyo sa ating mga kabataan tulad ng free medical and dental check-ups at pagbibigay ng mga gamot.

“Maraming salamat sa Council for the Welfare of Children, Lokal na Pamahalaan ng Taguig na pinangungunhan ni Mayor Lani Cayetano at SM Cares Officials sa matagumpay na pagdiriwang na ito.”

Teksto at larawan mula sa Facebook page na Inday Sara Duterte

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -