26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Preparasyon ng MMDA para sa Pista ng Itim na Nazareno

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKAHANAY na ang mga see-thru fences at nakatayo na ang mga tents sa Quirino Grandstand sa Maynila na bahagi ng preparasyon ng MMDA sa Pista ng Itim na Nazareno.

Ang mga see-thru fences na inilatag ng MMDA Metro Parkways Clearing Group at MMDA Traffic Discipline Office ay para sa kaayusan ng pila ng mga deboto sa tradisyunal na “pahalik” sa imahe ng Itim na Nazareno simula Enero 6.

Ang tent naman ay gagamitin ng MMDA Road Emergency Group at Public Safety Division para sa kanilang first-aid stations upang rumesponde sa mga mangangailangan ng medical attention.

Samantala, sinisiguro din ng MMDA ang kalinisan sa mga lugar kung saan idinaraos ang mga aktibidad para sa Pista ng Itim na Nazareno.

Agad na winawalis ng mga tauhan mula sa MMDA Metro Parkways Clearing Group ang mga kalat sa mga lugar, tulad ng paligid ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno (Black Nazarene), na kilala sa tawag na Quiapo Church, matapos ang blessing at prusisyon ng replica ng Black Nazarene.

Bago pa dumayo ang mga deboto para sa “Pahalik,” nilinis din nila ang Quirino Grandstand at ilang lansangan.

Panawagan ng MMDA sa mga deboto: sinupin ang kanilang mga basura at dalhin ito pauwi, lalo na ang mga pinaglagyan ng pagkain, plastic bottles, sari-saring papel, karton, plastic bags, at upos ng sigarilyo. Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng MMDA

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -