25.4 C
Manila
Martes, Disyembre 31, 2024

Gatchalian: Suporta ng mga guro napigilan ang pag-urong ng kaalaman ng mga mag-aaral

- Advertisement -
- Advertisement -

HABANG ipinakita ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) na hindi umurong ang kaalaman ng mga mag-aaral na 15-taong gulang sa kabila ng pandemya ng Covid-19, naniniwala si Senador Win Gatchalian na mahalaga ang suportang natanggap ng mga estudyante mula sa kanilang mga guro.

Naniniwala si Senador Win Gatchalian na mahalaga ang suportang natanggap ng mga estudyante mula sa kanilang mga guro. Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Lumabas sa index ng teacher support na mas mataas ang suportang ibinigay ng mga Pilipinong guro (0.50) sa kanilang mga mag-aaral kaysa sa average na naitala (-0.03) ng mga bansang kasapi ng Organisation for Economic Co-Operation and Development (OECD). Sa isinagawang forum ukol sa resulta ng PISA 2022, binigyang diin ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Gina Gonong na mas mataas ng 17 hanggang 27 puntos ang marka ng mga mag-aaral na may gurong suportado ang kanilang pag-aaral.

Sa pinakahuling PISA, lumabas na 8 sa 10 mag-aaral ang nag-ulat na patuloy ang mga guro sa pagtuturo hanggang sa matutunan nila ang aralin (80 porsiyento), tinutulungan nila ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral (81 porsiyento), nagbibigay ng karagdagang tulong kung kinakailangan (81porsiyento), at nagpapakita ng interes sa pagkatuto ng mga mag-aaral (79 porsiyento).

“Isa sa mga pinakamahalagang dahilan kung bakit hindi umurong ang kaalaman ng ating mga mag-aaral noong pandemya ay ang ating mga guro. Napakahalaga ng papel ng ating mga guro,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Gayunpaman, wala namang naitalang malaking pagbabago sa marka ng mga mag-aaral sa Reading, Mathematics, at Science mula 2018 hanggang 2022, kaya sinabi ni Gatchalian na kailangan pa rin ng mga programa sa learning recovery.

Ayon pa sa senador, kailangang suportahan ang mga guro sa pamamagitan ng pagtataguyod sa kanilang kapakanan. Inihain kamakailan ni Gatchalian ang Revised Magna Carta for Public School Teachers (Senate Bill No. 2493), na layong amyendahan ang 57-taong Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670).

Kasama sa mga probisyon ng panukalang batas ang pagbabawas ng oras ng pagtuturo sa apat mula anim. Nakasaad din sa panukalang batas na bawal bigyan ng non-teaching tasks ang mga guro. Kung kinakailangan, maaaring magtrabaho ng hanggang walong oras lang ang mga guro at makakatanggap sila omentong katumbas ng kanilang regular na sahod at dagdag na 25 porsiyento ng kanilang basic pay.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -