25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Ano ang nagpapalakas sa piso sa gitna ng paghina ng exports of goods?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

NANATILING malakas ang balance of payments (BOP) ng Pilipinas maski bumagsak ang exports of goods dahil sa paghina ng ekonomiya ng ating mga major trading partners. Ang sanhi nito ay ang malakas na exports of services, pagtaas ng secondary income o kita ng mga Filipino overseas workers at patuloy na pagratsada paitaas ng primary income o ang kita ng mga Filipino investors abroad.

Mula  Enero hanggang Setyembre ng 2023, tumaas ang BOP surplus sa $1.7 bilyon, kabaligtaran ng depisit na $7.8 bilyon noong kaparehong period noong nakaraang taon. (Table 1)

Ang overall exports kasama ang kita ng factors of production ng Pilipinas ay tumaas nang 7.0 porsiyento sa $111.1 bilyon. Ang overall imports kasama ang bayad sa mga alien factors of production na nasa Pilipinas ay umakyat bahagya nang 1.0 porsiyento sa $122.0 bilyon.

Dahilan nito, bumaba ang current account depisit ng bansa sa $10.9 bilyon mula sa $18.1 bilyong noong unang siyam na buwan noong nakaraang tao. Sinusukat ng current account ang paggamit ng bansa ng banyagang kapital o borrowing plus investment.  Nililimitahan ang depisit ng account na ito sa 5.0 porsiyento ng GDP dahil ito ang unang maglalaho pag may matinding suliranin ang isang bansa.

Bumagsak ang depisit ng trade in goods account sa $50.3 bilyon. Bumaba ang growth ng exports of goods nang 3.9 porsiyento  sa $40.9 bilyon. Ngunit mas malaki ang pagbaba ng imports of goods sa 6.1 porsiyento.


Sa kabilang dako, umakyat ang surplus ng trade in services account sa $13.5 bilyon mula sa $10.4 bilyon noong nakaraang taon. Ito ay dahil sa malagong pagbabalik ng tourism enterprise at mga business process outsourcing mula sa pandemya, gaya ng mga call centers, accounting services, transcription companies, atbp.

Umakyat ang secondary income balance o kita ng OFWs paagkatapos mabawas ang kita ng mga foreign expatriates sa $22.8 bilyon mula $22.2 bilyon. Umakyat nang 2.7 porsiyento sa $23.6 bilyon ang kita ng OFWs. Ngunit lumakas nang 30.2 potrsiyento sa $0.5 bilyon ang kita ng foreign expatriates. Ang dahilan ng paglobo ay ang pagdagsa ng foreign expatriates dahil sa lumalagong foreign investments sa bansa.

Lumagapak ang balance ng primary income ng 17.6 porsiyento dahil sa 51.8 porsiyento na pagtaas ng kita ng mga foreign investors (payments) sa bansa na umabot sa $8.8 bilyon. Ngunit malago din ang pagtaas ng kita ng Filipino investors sa ibang bansa (receipts) na umabot sa $11.8  bilyon, 24.9 porsiyento na pagtaas.

Nag-ambag ng capital account ng $12.6 bilyon na net inflows noong unang siyam na buwan, mas mataas kaysa $10.3 bilyon noong nakaraang taon.   Ang halagang ito ay net flows na nanggagaling sa foreign borrowing at foreign investment. Nabawas na dito ang bayad sa principal ng utang at repatriation ng foreign investment.

- Advertisement -

Dahil sa malusog na BOP surplus, patuloy ang pagtaas ng GIR (gross international reserves). Sa huling araw ng Nobyembre 2023, tumaas ang GIR sa $101.3 bilyon mula $96.2 bilyon noong huling araw ng 2022. Ang halaga nito ay kasya sa 7.5 buwan na imports ng goods at services, mas mataas kaysa minimum standard na 2-3 buwan.

Ang reserves ay ang lifeline ng mga bansa. Kapag nawala o bumaba ito sa halaga ng 2-3 buwan na import requirements, ang bansa ay nagkakaroon ng BOP crisis, mababawasan ang halaga ng domestic currency (o piso sa Pilipinas) at tataas ang inflation rate. Babagal ang kalakalan at babagsak ang investments na siyang lumilikha ng trabaho.

Kapag nangyari ang BOP crisis sa isang bansa, kailangang umutang ito sa IMF at iba pang mga multilateral financial institutions (MFIs). Ang utang na ito ang magpapanumbalik sa normal na daloy ng mga pribadong pondo para mapalago ulit ang kalakalan.

Pero bago makautang sa IMF at mga MFIs, may mga kundisyones (conditionalities) na kailangang gawin ng bansa. Ang pagpasok ng inuutang ay depende sa mga kundisyones na masusunod ng bansa.  Ang mga ito ay tungkol sa paghigpit ng sinturon sa gobyerno at pribadong sector. Una, kailangan ang tinatawag na tight fiscal policy — ang  paghigpit sa gastusin ng pamahalaan at pagtatalaga ng bagong revenue measures para mapaliit ang depisit ng gobyerno. Ang ikalawa ay ang tight monetary policy na kung saan, binabawasan ng Bangko Sentral ang isyu ng pera,  pinapataas ang interest rate nang higit sa inflation rate para manatili ang mga pondo dito sa ekonomiyang lokal. Kung hindi ito gagawin, magtutuloy ang capital flight at walang maiiwang puhunan sa lokal na ekonomiya.

Ang malakas na BOP position ay isa sa mga dahilan kung bakit maganda pa rin ang macroeconomic fundamentals at mataas pa rin ang credit rating ng bansa.  Maski humina ang ating GDP growth rate ngayong taon, ito ay pansamantala lamang.  Kaakit-akit  pa rin ang Pilipinas na lokasyon ng negosyo.

Table 1. OVERALL BALANCE OF PAYMENTS ACCOUNT  
  2022 2023  
  January-September  
OVERALL BALANCE ($M) –        7,830          1,736 -122.2%
OVERALL BALANCE (% OF GDP) -2.69% 0.56% -120.7%
I. CURRENT ACCOUNT
CURRENT ACCOUNT BALANCE ($M) –      18,130 –      10,945 -39.6%
CURRENT ACCOUNT BALANCE

(% OF GDP)

-6.23% -3.51%
    EXPORTS      103,815      111,095 7.0%
    IMPORTS      121,945      122,040 0.1%
 
  A. TRADE IN GOODS & SERVICES BALANCE
TRADE IN GOODS & SERVICES BALANCES, $M –      44,090 –      36,734 -16.7%
     % OF GDP -15.14% -11.78%  
TRADE IN GOODS, BALANCE ($M) –      54,515 –      50,260 -7.8%
TRADE IN GOODS, BALANCE (% of GDP) -18.72% -16.11%  
     EXPORTS        42,659        40,993 -3.9%
     IMPORTS        97,174        91,253 -6.1%
TRADE IN SERVICES, BALANCE ($M)        10,425        13,526  
TRADE IN SERVICES, BALANCE (% of GDP) 3.58% 4.34% 29.7%
     EXPORTS        28,749        34,725 20.8%
     IMPORTS        18,324        21,199 15.7%
 
   B. INCOME BALANCE
TOTAL INCOME        25,997        25,791 -0.8%
PRIMARY INCOME, BALANCE ($M)          3,660          3,015 -17.6%
PRIMARY INCOME, BALANCE (% of GDP) 1.26% 0.97%  
    RECEIPTS          9,454        11,812 24.9%
    PAYMENTS          5,794          8,797 51.8%
SECONDARY INCOME BALANCE ($M)        22,336        22,776 2.0%
SECONDARY INCOME, BALANCE

- Advertisement -

(% of GDP)

7.67% 7.30%  
    RECEIPTS        22,942        23,565 2.7%
    PAYMENTS 606 789 30.2%
II. CAPITAL ACCOUNT & OTHERS (NET FLOWS)          10,300          12,681
Source: BSP    
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -