29.9 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

Para kanino ang karapatang pantao?

- Advertisement -
- Advertisement -

Huli sa Dalawang Bahagi

TOTOO na sa may-akdang ito, ang sumunod na pangyayari sa kontrobersyal na pagkapakulong ng kamara kina Dr. Badoy at Celis ay nagdulot ng matinding pagkahindal. Sa sumunod na araw ng kanilang pagkadetine, nagdeklara ang dalawa ng hunger strike.

Oh, my God! bulalas ko sa sarili.

Hindi ito buladas, bagkus isang seryosong ekspresyon ng katatakutan. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang tanging sinundan ng ganung hunger strike ay ang ginawa ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino bilang protesta sa pagkapakulong sa kanya kasama ng iba pang lider oposisyon nang ipataw ni Presidente Ferdinand E. Marcos Sr. ang martial law noong Setyembre 1972. Samantalang karamihan sa mga oposisyonista ay pinalaya pagkaraan ng maiksing panahon, si Ninoy ay nanatiling nakapiit sa bisa ng mga paratang na murder, subversion at illegal possession of firearms.

Sa piitan, ibinalasak siya kina Communist Party of the Philippines (CPP) Chairman Jose Maria Sison at New People’s Army  (NPA) Chief Bernabe Buscayno aka Kumander Dante na nahuli ng pamahalaan noong 1977. Sa Oktubre ng taong iyun, si Ninoy ay napatunayang nagkasala ng mga ibinibintang sa kanya at hinatulan ng kamatayan. Ginamit ni Ninoy ang kanyang mataas na kalibre sa propaganda upang tuloy-tuloy na labanan si Marcos maging sa kanyang pagkakakulong at sa napipintong pagpapatupad ng hatol na kamatayan. Sa eleksyon para sa Interim Batasang Pambansa noong 1978, pinangunahan niya ang tiket ng bagong tatag na partidong Laban kontra sa tiket naman ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) na pinangunahan naman ng Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos. Bigo si Ninoy sa laban na iyun. Ano nga naman ang laban ng isang pupugak-pugak na oposisyon sa partido ng isang administration na bukod sa maayos na pulitikal na pamamalakad ay may maunlad na kabuhayan ang bansa; ang palitan ng dollar sa piso ay $1: P35, kumpara sa $1: P59 ngayon.


Subalit higit na nakapagpapaalala kaugnay ng diskusyon ngayon ay ang hunger strike na idineklara nina Dr. Badoy at Celis bilang protesta sa kanilang pagkakakulong. Una pa sa eleksyon ng 1978, si Ninoy man, sa hangaring unahan at samakatwid pigilan ang pagpapatupad ng sentensyang kamatayan sa kanya, ay nagsagawa ng hunger strike na umakit hindi lang ng atensyon sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Umabot sa 40 araw ang di pagkain ni Ninoy ng kahit kapirasong pagkain, at sa dulo ng panahong iyun, bumagsak siya sa coma.

Magandang pangyayari na sa kaso nina Dr. Badoy at Celis, hindi umabot sa ganung krisis. Dalawang araw lang ang itinagal ng kanilang hunger strike, subalit napakamatagumpay kung susukatin mo sa inentensyong layuning makalaya ang dalawa sa pagkakulong.

Sa panig ng kolum na ito, di maiwasang isalarawan ang nabubuong senaryo, humahalintulad sa tinahak ng adbentura ni Ninoy: cardiac treatment sa Heart Center na rito ay dinalaw siya ni Imelda Marcos na noon din ay nag-alok na ilipad siya sa Amerika upang doon pumailalim sa heart by-pass operation. Naging matagumpay ang operasyon kung ibabatay sa naging mga aktibidades ni Ninoy pagkaraan niyon: biyahe paroon-parito, sa Europa, Asya, Gitnang Silangan, nag-iipon ng pwersa sa pagpapalit ng rehimen sa Pilipinas, talumpati kete talumpati paikot sa Amerika, naglalantad sa mga tinawag niyang katiwalian ng pamahalaang martial law na, aniya, sa paglansag nito ay iniaalay niya hanggang sa huling patak ang kanyang dugo.  Naglaro sa aking balintataw ang ganito rin kadugong senaryo na tinutungo ng adbentura nina Dr. Badoy at Celis. Bakit nga ang hindi kung ganung sa unang araw pa lang ng kanilang hunger strike ay naglabas na ng panawagan ang maraming retiradong heneral na pawang mga PMAer na palayain sina Badoy at Celis.

Ano ba ito? usal ko sa sarili.

- Advertisement -

Ang ipinagmamalaking demokratikong kaayusan ng bansa ay sa katunayan mula nang magpakamatay si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport noong Agosto 21, 1983 ay naging banana republic na. Ganun ang klase ng gobyerno na natatag nang pwersahang ihalili si Cory kay Marcos sa pamanagitan ng Edsa 1. Sumunod na ganitong pagpapalit ng rehimen ay ang pagwithdraw ng support ng military at pulis sa gobyerno ni Erap na nagbunga sa pagluklok kay Bise Presidente Gloria Macapagal Arroyo bilang pangulo. Sa pagbabalikwas na ipinakikitang tunguhin ng hunger strike nina Badoy at Celis, hindi maiiwasang isipin na ang Pilipinas ay muling patungo sa paglulukluk na naman  ng bagong presidente labas sa prosesong elektoral.

Subalit hindi ganun ang nangyari. Pagkaraan lamang ng dalawang araw ng hunger strike nina Badoy at Celis, nagkaayos na ang magkabilang panig. Humingi ng tawad si Celis sa kanyang pasaring na “kangaroo court” ang pagdinig ng Komite sa Prankisa ng Kamara, na nagdesisyon naman na korte na lang ang humatol sa usapin ng di-pagbunyag sa pinagkunan ni Celis ng impormasyon hinggil sa di-umano’y P1.8 bilyon na gastos ni Speaker Romualdez sa kanyang mga paglalakbay. Wala sa regla ang pagpapalit ng rehimen sa kasong ito.

Una pa muna, ang extra-electoral na pagpapalit ng presidente sa Pilipinas ay lagi nang nasa basbas ng Amerika. Ganun ang EDSA 1 na naglukluk kay Cory kapalit ni Marcos Sr.; ganun din ang breakaway ng military at pulis na nagpababa sa puwesto kay Erap at nagpaupo kay Gloria Macapagal Arroyo sa Malakanyang. Maaalaala na sa pagwawakas ng 1999, sinuway ni Erap ang kagustuhan ng Amerika na huwag niyang atakehin ang Camp Abubakar ng MILF, at Pebrero ng sumunod na bagong taon, gumulong na ang proseso ng pagtanggal sa kanya sa puwesto – mula sa impeachment na kanyang naipagwagi hanggang sa breakaway nina Defense Secretary Angelo Reyes at Police Chief Panfilo Lacson na hindi niya kinayang salagin.

Masalimuot para sa Amerika ang pulitika ng Pilipinas sa ngayon. Kung itinulak ang kilos nina Badoy at Celis, malalaglag sa puwesto si Bongbong at hahalili si Sara, na mangyari pa, no-no para sa US dahil nga Duterte siya. At sa away ng China at Estados Unidos, ang Duterte ay kontrang-kontra sa Amerika.

Pwera na lamang kung, halimbawa, matrabaho si Digong ng Amerika sa pamamagitan ng International Criminal Court (ICC) na atat na atat na idikdik siya sa mga ibinibintang sa kanyang extra-judicial killings noong kanyang termino.

Para kanino ang human rights?

- Advertisement -

Hindi ang mga ito nakapako ang kahulugan. Sa anumang kalagayan, depende kung may kapit ka sa political power. Masdan ang anak ni DoJ Secretary Crispin Remulla. Nahulihan na ng high grade marijuana sa kamay, sa sumunod na napakabilis na bista, napatunayang walang kasalanan.

Sa pangmundong saklaw, ang human rights ay naroroon sa kung saan hinahayaan ang mga ito ng Amerika. Wala ang mga ito, halimbawa, sa Iraq noong 2003 nang salakayin ito ng Amerika sa bintang na nag-iimbak ang Iraq ng “weapons of mass destruction”. Wala ang human rights sa Japan nang paulanan ito ng firebombs ng Amerika noong 1945 na kumitil ng mahigit 200,000 sibilyang Hapones, na sinundan pa ng pagbagsak ng Atomic bomb sa Hiroshima at Nagasaki na ikinasawi ng doble pa ng naunang bilang ng mga sibilyan.Sa Pilipinas noong 1900, halos ganun ding bilang ng mga mamamayan ang binawian ng buhay sa pagsisimula ng kolonisasyon ng Amerika sa Pilipinas.

Sa pagwawakas ng diskusyon na ito, maitatanong, ano na kung sa paglala ng demolition job kay Bongbong dulot ng diumano’y hindi lamang paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot na kilala sa palasak na pangalang pulvoron kundi pagiging protector pa rin ng negosyo sa iligal na droga, ay biglang-biglang inabswelto si Duterte ng ICC. Makatitiyak tayo na ang susunod na pangyayari, presidente si Sara Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -