25.7 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Marcos: 2023, taon ng structural changes

- Advertisement -
- Advertisement -

Huling bahagi ng artikulong Marcos: 2023, taon ng structural changes 

Paglaban sa kahirapan

Ikinatuwa ng pamahalaan ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) kamakailan na nagpapakita na bumaba ang insidente ng kahirapan sa unang semester ng taon na mas magpapadaling makuha ang target na  single-digit poverty level sa taong 2028.

Ayon sa PSA, bumaba sa 16.4 porsyento ang poverty incidence sa mga pamilya mula sa 18 porsyento sa kaparehong semester ng 2021 na nangangahulugan na may 230,000 pamilya ang nakaahon sa sobrang kahirapan.


Base naman sa populasyon, ang kahirapan ay bumaba mula sa 23.7 posyento naging 22.4 porsyento o 895,260 na bilang ng mga Pilipinong mas nakaangat sa kahirapan, ayon sa report.

Ang poverty incidence sa bansa ay bumaba sa 15 mula sa dating 17 rehiyon mula 2021 hanggang 2023, na mas nakita sa mga lugar ng NCR, CAR, Cagayan Valley, Central Luzon, SOCCSKSARGEN, at Caraga.

Bagama’t bumaba rin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nananatiling ito ang pinakamataas sa buong bansa.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan nakarecover ang bansa nang magdesisyon ang pamahalaan na tuluyang bawiin ang mga Covid-19 restrictions at payagang muli ang lahat ng aktibidad sa bansa.

- Advertisement -

Dagdag pa niya, nakatulong ang Targeted Cash Transfer Program, fuel subsidy, one-time rice allowance, at Libreng Sakay Program ng gobyerno upang maibsan ang epekto ng inflation sa mga mahihirap na pamilya.

Aniya, titiyakin ng pamahalaan na maipatutupad ang iba’t ibang inisyatiba at interbensyon upang mabawasan pa ang kahirapan sa bawat rehiyon at sa buong bansa.

Kabilang sa mga paraan ay ang pagpapatupad ng bagong Social Protection Floor na nagtatatag ng basic social security guarantees, pagpasa sa Trabaho Para sa Bayan Act at Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program, gayundin ang pagtatatag ng Walang Gutom 2027 Food Stamp Program.

Pagkontra sa Inflation

Samantala, iniulat ng pamahalaan ang patuloy na pagbaba ng inflation rate sa bansa. Nitong Enero 2023, nakapagtala ng 8.7 inflation ang Pilipinas. Bumaba ito sa 4.7 percent nitong July at naging 4.1 percent na lamang nitong Nobyembre.

Ayon sa Pangulo, napupuyat sya sa kaiisip kung paanong mapapababa pa ang inflation. Sinimulan nya ito sa pamamagitan ng pag-aatas sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na palakasin ang laban kontra sa mga smuggler at mga hoarder, na aniya, ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan.

- Advertisement -

Isa pa, binuo ni Marcos ang isang inter-agency committee na magpapatupad ng mga inisyatibang kokontra sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Modernisasyon

Para sa susunod na taon, ayon sa Pangulo, hindi nagbabago ang kaniyang layunin at ito ay ang ipagpatuloy ang modernisasyon ng gobyerno.

“Medyo obsolete na ‘yung ibang structure natin sa gobyerno. That we continue to modernize, we continue to be responsive to the new economy, that we position ourselves properly,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We’re moving in the right direction. But if you ask me, I’m always – I always say it’s too slow, it’s too slow, it’s too slow. So, we will just keep pushing and pushing and pushing para matapos lahat ito so that we can start to feel the effects of those changes that we made,” dagdag pa niya.

Nais ng pangulo na 95 porsyento ng mga transaksyon ng gobyerno ay gawin gamit ang kompyuter.

“Kinakailangang matiyak ng pamahalaan ang isang episyenteng organisasyon at tiyak at maaasahang paraan na makakuha ng datos sa pamamagitan ng pinakamakabagong digital tools. (The government must ensure an efficient organization and an accurate and reliable way of securing data using available state-of-the-art digital tools),” aniya.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), kinakailangan nito ang tulong ng lahat upang mas maging maayos ang pamamahala sa pamamagitan ng digitalization.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang E-Governance Act or House Bill 7327 ay isa sa mga prayoridad na batas na kaniyang binanggit sa kaniyang kauna-unahang State of the Nation Address noong nakaraang taon.

Inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na ito noong Marso 6.

Sa kaniyang presentasyon sa “A Year After Build Better More” ng the British Chamber of Commerce–Philippines nitong Hulyo, nagbigay ng update DICT chief of staff for the Office of E-Government TR Mon Gutierrez tungkol sa anim na prayoridad na proyekto ng DICT na may kaugnayan sa e-governance- eLGU, eTravel, eGovPay, eGovCloud, eReport, at eGov PH app.

Ang eLGU ay isang one-stop system kung saan naroroon na ang business permit licensing, notice of violations, notification system, community tax, health certificates, local civil registry, business tax, at real property tax. Ayon kay Gutierrez, may 210 LGU na ang nagpatupad ng Business Permits and Licensing System, 450 ang nagsisimula nang ipatupad at 82 ang nagrequest na.

Ang eTravel system naman ay one-stop electronic travel declaration system na mayroon sa 10 international airports at limang international seaports. Sa pamamagitan nito, isang app na lamang ang gagamitin ng mga pasahero para sa kanilang deklarasyon at hindi na kailangang mag-fill-out pa ng maraming dokumento gaya ng arrival card, local airport or seaport forms, tourism form, customs form, at health declaration form.

Ang eGovPay naman ay isang ligtas na  one-stop government payment gateway kung saan pwedeng magbayad sa pamamagitan ng e-wallets, ecards, cash payment systems, at kiosks.

Ang eGovCloud naman ay teknolohiya para sa pamamahala at pagpapadala ng mga serbisyo ng gobyerno.

Sa halip na maraming data center, mayroon na lamang isang sentralisadong cloud system para sa lahat para sa mas mabilis, mas matipid, mas ligtas at mas episyenteng pagkuha ng datos, para sa mas maayos na pagdedesisyon.

Ang eReport naman ay isang People’s Feedback Mechanism mobile app kung saan ang publiko ay maaaring magreport ng reklamo o magbigay ng komento sa gobyerno.

May walong kategorya ito — red tape, overpricing, child abuse, women abuse, accident, fire, crime, at scam.

Sa mga susunod na taon, mula 2024 hanggang 2026, inaasahan na magkakaroon din ng mga system para sa eTourism, eBusiness, eHealth, eCommerce, eServices, eApostille, eFinance, eLearning, ePassport, at eTransport.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -