30.1 C
Manila
Linggo, Nobyembre 10, 2024

Net satisfaction rating ni Leni lumagapak sa +1; pinakamababa sa lahat ng naging VP

- Advertisement -
- Advertisement -

GUMAWA ng kasaysayan si Leni Robredo nitong Lunes matapos siyang makapagtala ng +1 na net satisfaction rating — ang pinakamababang record sa lahat ng mga papaalis na bise presidente ng bansa, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Maraming political analyst ang nagsasabi na masamang pangitain ito para sa kampo ni Robredo na tumatakbo bilang pangulo lalo pa at ilang buwan na lang ay halalan na.

“Maliwanag ito na hindi nasisiyahan ang publiko sa ginagawa niyang trabaho bilang pangalawang pangulo. At kung bise presidente pa lang siya ay hindi na masaya ang tao sa kanya ay paano pa siya iboboto ng mga ito bilang pangulo,” sabi ng isang political analyst na humiling na huwag muna banggitin ang kanyang pangalan.

Sa interview sa DZRH, sinabi ni political analyst at UP professor Clarita Carlos na maaaring may malaking epekto ang lumagapak na grado ni Leni kaugnay ng kandidatura niya sa pagka-pangulo sa halalan sa Mayo 9.

“‘Yan ang nakapagtataka kasi they are presenting her as the cousin of Mother Theresa so dapat mataas ang trust rating niya ‘di ba? So ‘yun ang nakapagtataka pero kasi ano naman, ‘yang SWS ay talagang matatag na matatag na organization so we need to believe in the numbers that they give out,” she pointed out.

PHOTO BY TMT

Ang mababang satisfaction rating ni Robredo ay taliwas naman sa nananatiling mataas na satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte na umabot sa +60 porsyento o “very good” pa rin, ilang buwan na lamang bago matapos ang kanyang termino.

Malayong mas mababa ang rating ni Robredo sa kanyang mga sinundang bise presidente tulad ng kanyang pinalitan na si Jejomar Binay na nakapagtala ng “moderate” satisfaction rating na +25, ilang buwan din bago ito bumaba sa puwesto.

Ang beteranong mamamahayag at dating bise presidente na si Noli de Castro ay nakapagtala naman ng +14 net satisfaction rating bago nito ipasa ang posisyon kay Binay noong 2010.

“When we ran this in September 2021, Vice President Leni Robredo was +24 [but] in December 2021, she was +1,” ayon kay SWS President at CEO Linda Luz Guerrero.

Lumabas din na ang performance ni Robredo ang pinakamababa sa lahat ng opisyal ng gobyerno na isinama sa nasabing survey.

Nakapagtala si Senate President Vicente Sotto III ng +52 habang si Chief Justice Alexander Gesmundo ay mayroong +7 porsyento. Maging si House Speaker Lord Allan Velasco, na nakitaan din ng pagbaba sa kanyang satisfaction rating ay nakakuha pa rin ng mas mataas kay Robredo na +5.

Ang SWS survey na pinasagutan sa 1,440 respondents ay isinagawa noong Disyembre 12-16 nitong nakaraang taon.

Idinagdag pa ni Guerrero na “the people’s perception of his [Duterte] character is one of the most critical factors for his enduring high satisfaction rating.”

Ipinrisinta ni Guerrero ang inisyal na resulta ng survey sa 2022 Survey Review forum na inorganisa ng Asian Institute of Management at Konrad Adenauer Stiftung Foundation.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -