29.9 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

Oriental Mindoro, nagtala ng mabagal na pagtaas ng mga produkto, serbisyo

- Advertisement -
- Advertisement -

AYON Asa press conference ng Philippine Statistics Authority (PSA) Oriental Mindoro, naitala sa lalawigan ang mabagal na pagtaas ng mga produkto at serbisyon sa antas na 3.6 porsyento noong buwan ng Nobyembre.

“Ang headline inflation o ang pagtaas ng mga produkto at serbisyo sa probinsya ay bumagal sa antas na 3.6 porsiyento nitong Nobyembre 2023,” ayon kay Chief Statistical Specialist Efren  Armonia sa isinagawang press conference sa kanilang tanggapan noong Disyembre 19.

Naitala naman noong Oktubre ang inflation sa antas na 5.6 porsyento habang 10.1 porsyento naman ay naitala noong Nobyembre 2022. Ang average inflation noong Enero hanggang Nobyembre 2023 ay nasa antas na 8.1 porsiyento.

Ang pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation noong Nobyembre 2023 kumpara noong Oktubre 2023 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng nasa hanay ng pagkain at mga hindi nakalalasing na inumim. Ito ay nagtala ng 1.5 porsyento inflation at 77.7 porsyento bahagi para sa pangkalahatang inflation sa lalawigan.

Ang nag ambag ng malaki sa pagbaba ng inflation ng food at non-alcoholic beverages ay ang mabagal na pagtaas ng presyo ng mga cereals at iba pang produktong cereal na nakapagtala ng 2.2 posyentong inflation, kabilang ang bigas. Kasama rin ang mga gulay at tubers na may 10.1 inflation na isa dito ay ang produktong sibuyas at nakapagambag din sa pagbaba ng inflation ang hanay ng karne at iba pang bahagi ng mga kinatay na hayop tulad ng baboy na may -4.0 porsyento.

Sinabi pa ni Armonia, “Ang pangalawang dahilan ng mas mababang inflation noong Nobyembre 2023 kaysa noong Oktubre 2023 ay ang pagbaba ng renta ng bahay, tubig, kuryente, gasoline at iba pang produktong petrolyo. Ito ay mayroong 5.4 porsyentong inflation at 6.7 porsyentong inflation para sa pangkalahatang inflation sa probinsiya. Habang ang nag ambag ng malaki sa pagbaba ng inflation ng housing, water, electricity, gas at iba pang produktong petrolyo ay ang mabagal na pagtaas ng presyo ng kuryente na may 1.6 porsyentong inflation at liquefied petroleum gas (LPG) na may 3.5 porsyentong inflation.”

Dagdag pa ni Armonia, na ang pangatlong commodity group sa mas mababang antas ng inflation ay ang pagbagsak ng halaga ng transportasyon na may -3.7 porsiyentong inflation at 6.2 porsiyentong bahagi sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa probinsiya. (DN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -