31.1 C
Manila
Miyerkules, Nobyembre 27, 2024

ILO convention laban sa harassment sa trabaho, niratipikahan

- Advertisement -
- Advertisement -

ISANG tagumpay na naman ang nakamit sa sektor ng paggawa sa Pilipinas sa pagpayag ng Senado na ratipikahan ang International Labour Organization Convention 190, ang unang internasyonal na kasunduan na tutugon sa harassment sa trabaho.

Sa botong 20-0-0, inaprubahan ng mga senador sa huling pagbasa noong ika-11 ng Disyembre 2023 ang panukalang Resolution No. 877 para sa ratipikasyon ng “Convention Concerning the Elimination of Violence and Harassment in the World of Work.”

Bukod sa pagsawata sa harassment kabilang ang gender-related violence, saklaw din ng bagong-ratipikadong kasunduan ang proteksiyon at suporta para sa mga biktima, gayundin ang mga mekanismo sa pagpapatupad nito.

Taglay rin nito ang ingklusibo at komprehensibong pagtugon sa mga isyu at sitwasyon sa pampubliko at pribadong sektor, gayundin ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng mga patakaran sa trabaho sa modernong ekonomiya.

Inihain ng Malacañang sa Senado noong Oktubre ang kasunduang inaprubahan sa Geneva, Switzerland noong Hunyo 2019 upang maratipikahan.

“The ratification of the ILO C190 will fortify the Philippine government’s mandate and policy in promoting and protecting the rights of Filipino workers, locally and overseas, by pushing for a work environment with zero tolerance for violence and harassment,” saad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang liham sa mga senador.

“In this regard, the country’s commitments relative to the ILO C190 contributes to the performance of key targets under the United Nations Sustainable Development Goals, particularly with respect to Goal 5 on Gender Equality and Goal 8 on Decent Work and Economic Growth,” pagpapatuloy niya.

Makasaysayang tagumpay

Para naman sa Department of Labor and Employment (DoLE), ang ratipikasyon ay nagpapakita ng dedikasyon ng bansa na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa at magsilbing halimbawa para sa iba pang mga bansa.

Kasabay pa rin ang mga ito sa layunin ng Departamento na masigurong may disenteng trabaho ang lahat ng manggagawa sa bansa.

Makikibahagi naman ang DoLE sa pagpapatupad ng mga alituntuning itinataguyod ng kombensiyon sa pakikipagtulungan sa mga employer, mga unyon ng manggagawa, at sa publiko.

Kasama rito ang mga reporma sa patakaran, awareness campaigns, at capacity-building initiatives para siguruhin ligtas ang bawat lugar paggawa sa anumang uri ng karahasan. #BLR/AG

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -