32.8 C
Manila
Sabado, Pebrero 1, 2025

Mayor Sandoval dumalo sa 22nd General Assembly ng Hataw Padyak Bikers Association at mga Christmas party sa Malabon

- Advertisement -
- Advertisement -

PERSONAL na dumalo sa ginanap na 22nd General Assembly ng Hataw Padyak Bikers Association si Malabon Mayor Jeannie Sandoval  na ginanap sa Potrero Elementary School Main sa Malabon.

Ayon sa alkalde, “Nais natin na magkaroon ng isang malusog at masiglang komunidad, sa pamamagitan ng pagpapahayag ng suporta sa mga adbokasiya ng Hataw Padyak, tulad ng pangangalaga sa kalikasan, pagsusulong ng aktibong pamumuhay, at pagtataguyod ng pagkakaisa sa ilalim ng isang masiglang biking community.”

Nakisaya rin ang Mayor sa ginanap sa Christmas Party ng Batch ‘63  sa Tonsuya Elementary School. Maging  ang Christmas Party ng mga senior citizen mula sa Femasca Dampalit Chapter ay hindi rin niya pinaglagpas.

Ayon kay Mayor Sandoval, “Sobrang saya ng Pasko kapag kasama ang masisigla at masasayang nating mga senior citizen mula sa FEMASCA Dampalit Chapter. Dumalo po tayo sa Christmas Party nila na ginanap dito sa Doña Juana Covered Court. Maraming salamat sa mainit na pagsalubong sa akin! Sana po ay nag-enjoy kayo sa munti nating selebrasyon na ito.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -