SIMULA Disyembre 7 hanggang 31, 2023, pansamantalang sinususpende ang pagbibigay o pag-iisyu ng guarantee letter (GL) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program sa lahat ng opisina ng Department of Social Welfare & Development (DSWD) sa buong bansa.
Ayon sa DSWD, ang nasabing hakbang ay kinakailangan upang mabigyang-daan ang annual liquidation na bahagi ng taunang fiscal obligation alinsunod sa utos ng Department of Budget and Management at ng batas.
Dagdag pa ng ahesiya na ang suspensyon ay makakapagbigay din ng sapat na oras sa pag-aayos ng mga kinakailangang dokumento para mabayaran ang mga service providers sa mga naiabot na tulong sa mga kliyenteng nakalapit na sa aming mga opisina sa pamamagitan ng GL.
Upang hindi mahinto ang tulong na ibinibigay ng DSWD, patuloy pa rin ang pamimigay ng outright cash assistance para sa ating mga kwalipikadong benepisyaryo.
Payo ng DSWD sa mga kliyente nito antabayanan ang muling pagbibigay ng GL sa darating na Enero 2024.
Para sa updates, i-follow ang official social media accounts at website:
Facebook, Twitter, YouTube: @dswdserves
Instagram: @dswdphilippines
Website: www.dswd.gov.ph
Viber Community: DSWD Philippines (https://rb.gy/67p89) (DSWD/PIA-NCR)