27.8 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 25, 2024

Tupad payout, livelihood kits ipinamahagi sa Maynila

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGHATID ng kanyang pambungad na pananalita si Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa ginanap na job fair ng Kagawaran sa Manila Science High School noong Biyernes, ika-1 ng Disyembre 2023, bilang paggunita  sa ika-90 anibersaryo ng Department of Labor and Employment na may temang “DOLE @ 90: Serbisyong Mabilis at Matapat sa Bagong Pilipinas”.

Kasama ang iba pang opisyal ng DoLE, pinangunahan ng Kalihim ang pamamahagi ng suweldo para sa 500 benepisaryo ng Tupad at livelihood packages sa mahigit 100 benepisaryo, na nakatanggap ng kabuuang P3,050,000.00, kasama ang pagkalkula ng suweldo batay sa kasalukuyang P610 na minimum na sahod sa National Capital Region.

Sinabi ni Secretary Laguesma na maaari ding mag-aplay sa trabaho ang mga benepisaryo ng Tupad, sabay ng kanyang pahayag na layunin ng pamahalaan ng Maynila na maging “contributory member” ang mga residente ng siyudad: “Para sa ganoon, hindi temporary employment lamang, (kung hindi) para sa pang-matagalang trabaho.” Ang pagbabayad ng Tupad at pagbibigay ng livelihood packages kasama ang isang nationwide job fair ay alinsunod sa mga aktibidad ng pagdiriwang ng ika-90 anibersaryo ng Kagawaran. (Kuha ni Alejandro P. Echavez, DOLE-IPS)

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -