28.6 C
Manila
Lunes, Nobyembre 25, 2024

DTI: Alamin ang mga karapatan mo bilang isang konsyumer

- Advertisement -
- Advertisement -

SA panahong napadali na ang pamimili ng ating mga kailangan at nais sa tulong ng online shopping, importanteng alam natin ang ating mga karapatan pagdating sa pagiging konsyumer lalo na sa dinami-dami ng mga bilihin ngayong holiday season.

Dominador Alberto (kaliwa), ang officer-in-charge ng Consumer Protection Division ng DTI-Ilocos Norte ay nagsilbing panauhin sa Danggay iti Panagdur-as radio program ng PIA Ilocos Norte upang ihayag ang mga karapatan ng mga konsyumer. (EJFG)

Alamin natin ang mga karapatan ng mga konsyumer mula kay Dominador Alberto, ang officer-in-charge ng Consumer Protection Division ng Department of Trade and Industry (DTI)-Ilocos Norte:

Right to basic needs

Ito ay ang karapatan na ginagarantiya ang kaligtasan, sapat na pagkain, damit, tirahan, healthcare, edukasyon at kalinisan.

Bilang mga konsyumer, aasahan na mayroong mga bilihin na maganda ang kalidad at abot-kaya ang presyo.

Right to safety

Ang mga mamimili ay may karapatan sa mga produkto na pasok at nakapasa sa quality standards ng bansa upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Kaya naman, idiniin ni Alberto na palaging maging masusi sa pag-inspeksyon ng mga bibilhing produkto lalo na sa mga pagkain at mga appliances o electric products.

Siguraduhing mayroong Philippine Product Standards (PS) mark ang mga bibilhing electric products.

Right to information

Ito ang karapatan ng mga konsyumer na maprotektahan laban sa mga mapanlinglang o hindi totoong advertising, labeling, o promotion.

Ang mga produkto sa merkado ay dapat mayroong impormasyon tungkol sa tamang paggamit nito, mga sangkap o kemikal na nilalaman, precautions, limitations, at expiry date.

Importanteng malaman ng mga konsyumer ang hustong impormasyon sa mga produkto upang sila ay makapili ng mga produktong ligtas sa kanila.

Right to choose

Malaya ang mga konsyumer na mamili ng maganda, kalidad, at mas murang bilihin.

Right to representation

May karapatan ang mga konsyumer na bumuo ng kanilang sariling organisasyon upang isulong ang kanilang mga karapatan bilang mamimili.

Right to redress

Ayon kay Alberto, ito ang karapatan ng mga konsyumer na mabayaran o maibalik ang kanilang bayad sa mga hindi magandang produkto o hindi kaaya-ayang serbisyo.

Maaaring humiling sa mga product providers na palitan ang mga sirang produkto.

Right to consumer education

Ang karapatang makakuha ng kaalaman at kasanayang kinakailangan upang maging matalinong mamimili.

Ang isang konsyumer ay may karapatang sumali sa mga seminar, conferences, trainings, o fora na nakasentro sa kapakanan ng mga mamimili.

Right to a healthy environment

Ang karapatang manirahan at magtrabaho sa isang lugar na hindi mapanganib upang mabigyang daan ang buhay na may dignidad at kaligtasan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -