28.7 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

Ms. Isabela, nahalal bilang bagong SK prov’l federation president

- Advertisement -
- Advertisement -

NAHALAL bagong Sangguniang Kabataan Provincial Federation President ang kasalukuyang 2023 Queen Isabela na si Binibining Catherine Joy Legaspi mula sa bayan ng San Manuel.

Ang eleksiyon ng SK Federation officials ay isinagawa sa Capitol Amphitheater nitong Ika-29 ng Nobyembre 2023 at ito ay pinangasiwaan ng Department of the Interior and Local Government o DILG Isabela

Pinalitan ni Legaspi ang outgoing president na si Dax Paolo Binag mula sa bayan ng Cabagan.

Si  Legaspi ay magiging ex-officio member ng Sangguniang Panalalwigan ng dalawang taon.

Kabilang sa mga nahalal na mga opisyal ng Sangguniang Kabataan Federation ay sina Anbert Ejie Pagador mula sa bayan ng Aurora bilang Vice President; Frances Medina mula sa bayan ng Luna bilang Secretary; Lloyd Jerome Gaffud mula Echague bilang Treasurer; Angelo Corpuz mula San Mateo bilang Auditor; Andrie Dominic Buhangin mula Reina Mercedes bilang Pubic Relations Officer; at Errol John Nebalasca mula the City of Ilagan bilang Sergeant-At-Arms.


Samantala, pormal ng ibinigay ni Binag ang mga dokumento, inventories, at properties ng kanyang tanggapan kay incoming president pagkatapos na manumpa ito sa katungkulan.

Nahalal bilang Sangguniang Kabataan Provincial Federaiton President ang 2023 Queen Isabela na si Catherine Joy Legaspi (ikaapat mula sa kaliwa) mula sa bayan ng San Manuel sa isinagawang eleksiyon na pinagasiwaan ng DILG Isabela na isinagawa sa Capitol Amphitheater nitong Ika-29 ng Nobyembre 2023. (Larawan mula sa Isabela PIO)

Pinayuhan ni Binag ang mga bagongSK Provincial Federation officers na ipagpatuloy ang pagsisilbi sa kapwa kabataang Isabeleño at pakinggan ang kanilang boses at mga suhestiyon para sa ikabubuti ng mga kabataang Isabeleño.

Nagpasalamat din si Binag sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa pamumuno Nina Gov. Rodolfo Albano III at Vice Gov. Faustino “Bojie” G. Dy III sa suporta ng mga ito sa kanyang pamumuno biang lider ng Kabataan ng Isabela ng liman taon. (OTB/MGE / PIA Isabela)

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -