๐๐๐ฅ๐ข๐๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ฐ๐ญ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฌ๐ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐ก๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐๐ ๐ญ๐ ๐๐ข๐ค๐จ๐ฅ ๐๐ญ ๐๐จ๐ซ๐ฌ๐จ๐ ๐๐ง๐จ๐ง, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐
ISINAGAWA noong Oktubre 24โ26, 2023 sa Brgy. Sta. Teresita, Lungsod Iriga; Brgy. Iraya, Buhi, Camarines Sur; at Brgy. Joroan, Tiwi, Albay ang balidasyon hinggil sa wika ng mga katutubong Agta ng Bicol. Isinagawa naman noong Oktubre 27, 2023 sa Sorsogon State University, Lungsod Sorsogon ang balidasyon hinggil sa Sorsoganon.
Iniharap ng mga kawani ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga pinuno at kasapi ng katutubong pamayanang kultural, mga kawani ng Pambansang Komisyon sa Katutubong Mamamayan (NCIP), at mga guro ang awtput mula isinagawang pangangalap ng datos noong Abril 2023 para sa kanilang pagwawasto.
Layunin ng proyektong balidasyon na maiwasto at maisapanahon ang mga impormasyon hinggil sa tinatayang 135 katutubong wika ng Pilipinas.