TINIPON ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga social partner nito para talakayin ang specific sectoral action at mga joint undertaking kasama ang mga priority areas na tinukoy sa Philippine Labor and Employment Plan (PLEP) 2023-2028 sa ginanap na National Tripartite Conference (NTC) noong Nobyembre 16- 17, 2023 sa Pasay City.
Pinangasiwaan nina (itaas na larawan) Undersecretary Carmela Torres (kaliwang larawan, nakaupo sa kanan) at Assistant Secretary Paul Vincent Añover (kaliwang larawan, nakaupo sa kaliwa) ng Employment and Human Resource ang talakayan sa pagpapataas ng pagiging produktibo, kapaki-pakinabang, malayang pinili at napapanatiling trabaho at mga oportunidad sa trabaho.
Pinangunahan nina Workers’ Welfare and Protection Cluster Undersecretary Benjo Santos Benavidez (kaliwang larawan, nakaupo sa kaliwa) at Direktor ng Bureau of Working Conditions na si Alvin Curada (kaliwang larawan, nakaupo sa kanan) ang pagtitiyak ng pamamahala sa merkado ng paggawa na kumikilala sa pangunahing prinsipyo at karapatan sa trabaho, internasyonal na pamantayan sa paggawa, at karapatang pantao.
Pinamunuan nina Employees’ Compensation Commission Executive Director Kaima Via Velasquez (kaliwang larawan, nakaupo sa kanan) at Bureau of Workers with Special Concerns Director Ahmma Charisma Satumba (kaliwang larawan, nakaupo sa gitna) ang talakayan sa pagbuo ng isang patas at inklusibong panlipunang proteksyon.
Lumahok sa NTC ang mga kasapi ng National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) at Technical Executive Committee (TEC), mga tagapangulo at pangalawang tagapangulo ng mga Regional Tripartite Industrial Peace Council (RTIPC mga Industry Tripartite Council, asosasyon ng mga industriya na kumakatawan sa mga pangunahing tagapagbigay ng trabaho, mga ahensya ng pambansang pamahalaan, mga kinatawan mula sa impormal na sektor, grupong sektoral, mga partner sa pag-unlad, non-government organization (NGO), civil society organization, at ang academe. (Kuha ni Alejandro P. Echavez, DOLE-IPS)