25.7 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

600 child dev’t workers, ipinagdiwang ang children’s week sa Oriental Mindoro

- Advertisement -
- Advertisement -

DINALUHAN nang mahigit 600 na Child Development Workers at mga kabataan mula sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan ang isinagawang Provincial Children’s Week Celebration bilang pag-gunita sa selebrasyon ng National Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre.

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ang aktibidad sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO)

May tema ang gawain na “Healthy, nourished, sheltered: Ensuring the right to life for all.” Naglalayon ang gawain na ipamalas ang kahalagahan ng kalusugan at karapatan ng mga kabataan sa maayos, payapa, at matiwasay na pamumuhay.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ni PSWD Officer Zarah Magboo sa lahat ng mga dumalo sa naturang aktibidad. Ayon dito, ang pagsuporta sa mga ganitong gawain ay nangangahulugan lamang na ang mga mamamayan ng Mindoro ay mataas ang pagpapahalaga sa kapakanan at kalusugan ng mga kabataan.

Tampok sa gawain ngayong araw zumba dance competition kung saan pinaglabanan ito ng mga kinatawan mula sa 14 na bayan at isang lungsod mula sa lalawigan.

Kaugnay nito, itinanghal na kampeon sa Zumba Dance Competition ang bayan ng Naujan kung saan nag-uwi ang mga ito ng halagang P15,000. Sinundan naman ito ng bayan ng Bongabong bilang 1st runner-at tumanggap ng cash prize na nagkakahalaga ng P13,000. Ang Lungsod ng Calapan naman ang nakasungkit ng 2nd runner-up kung saan tumanggap naman ang mga ito ng halagang P11,000. Ang mga hindi pinalad na Manalo ay tumanggap ng tig P5,000.00 bilang consolation prize. (JJGS/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -