26.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

11 liblib na paaralan sa Aurora may internet connectivity na

- Advertisement -
- Advertisement -

NASA 11 liblib na paaralan sa Aurora ang may internet connectivity na matapos pagkalooban ng Starlink kit ng Department of Science and Technology (DoST).

Nasa 11 liblib na paaralan sa Aurora ang may internet connectivity na matapos pagkalooban ng Starlink kit ng Department of Science and Technology (DoST).

Ito ay teknolohiya mula sa Space X na naglalaman ng isang satellite dish at router na may kasamang isang taon na libreng subscription sa internet.

Ayon kay DoST Aurora Project Technical Assistant I Regine Maines, ang Starlink satellite internet service ay maaaring magamit ng mga guro at mag-aaral upang kumonekta sa digital media na mabibigyan daan sa mas malawak na educational resources.

Kabilang sa mga nabigyan ng Starlink kit ang Dianawan National High School at Villa Aurora National High School sa bayan ng Maria Aurora; Dikapinisan National High School at Rosauro Tangson Elementary School sa bayan ng San Luis; Dimaseset National High School, Dimaseset Elementary School, Diniog Elementary School, at Pedro Orata Elementary School sa bayan ng Dilasag; Lawang West Elementary School at Paraiso Elementary School sa bayan ng Casiguran; at Mariano D. Marquez Memorial National High School sa bayan ng Dinalungan.

May P1.146 milyon ang inilaaan ng ahensya para sa proyekto sa ilalim ng programang Community Empowerment through Science and Technology (CEST).

Layunin ng CEST na magbigay ng kabuhayan at maibsan ang kahirapan sa mga malalayong komunidad sa pamamagitan ng paglipat ng mga teknolohiya sa mga benepisyaryo sa mga larangan ng edukasyon, kalusugan at nutrisyon, tubig at kalinisan, pagbabawas ng panganib sa kalamidad, at pag-unlad ng industriya o kabuhayan.

Nasa 60 proyekto ang naipatupad sa lalawigan ng Aurora mula ng inilunsad ito noong 2018. Sa numerong iyan, 29 na ang tapos habang 31 ang kasalukuyan ang implementasyon (CLJD/MAT-PIA 3)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -