26.7 C
Manila
Biyernes, Setyembre 20, 2024

Tanggapan ni Senator Imee Marcos, nagbigay ng tulong sa mga mag-aaral sa Nueva Vizcaya

- Advertisement -
- Advertisement -

TUMANGGAP ng Educational Assistance ang 4,000 mag-aaral sa Nueva Vizcaya kamakailan mula sa tanggapan ni Senator Imee Marcos.

Ipinakita ng mga mag-aaral sa Nueva Vizcaya ang kanilang natanggap na tulong mula sa tanggapan ni Senator Imee Marcos. (Larawan mula sa PIA Image)

Nasa P12 million ang halaga ng Educational Assistance na naibigay sa mga mag-aaral sa mga State Universities at Colleges sa lalawigan kabilang ang ilang mga mag-aaral sa high school kung saan P3,000 ang tinanggap ng bawat isa mula sa nasabing pondo.

Ayon kay Governor Jose Gambito, ang pondo ay kanilang hiniling mula sa tanggapan ni Senator Imee Marcos dahil sa dumaraming mag-aaral na nangangailangan ng tulong pinansiyal sa lalawigan.

Dagdag pa nito na patuloy ang pagtanggap nila ng mga hiling sa nasabing Educational Assistance mula sa mga mag-aaral sa lalawigan upang ito ay mapondohan ng PLGU katuwang ang mga Senador at party-lists sa bansa.

Dahil dito, nagpasalamat ng lubos si Gambito sa tulong na ibinigay ng tanggapan ni Senator Imee Marcos para sa mga mag-aaral na Novo Vizcayanos.

Nagbilin din ito sa mga mag-aaral na gamitin sa tama ang natanggap na tulong upang maging kapakipakinabang ito para sa kanilang pag-aaral. (BME/PIA NVizcaya)

 

CAPTION 1

Ipinakita ng mga mag-aaral sa Nueva Vizcaya ang kanilang natanggap na tulong mula sa tanggapan ni Senator Imee Marcos. (PIA Image)

 

CAPTION 2

Tumanggap ng P3,000 bawat isa ang 4,000 na mag-aaral sa Nueva Vizcaya. Ang Educational Assistance ay mula kay Senator Imee Marcos. (PIA image)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -