26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Magna carta para sa mga barangay health care workers isinusulong ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

KASUNOD ng pagtatapos ng Barangay at Sangguniang Kabataang elections, isinusulong naman ngayon ni Senador Win Gatchalian ang magna carta for barangay health care workers (BHWs) para mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga komunidad.

Habang mauupo na sa kanilang mga tungkulin ang mga nahalal na mga opisyal ng mga barangay, isinusulong ni Senador Win Gatchalian is now ang magna carta for barangay health care workers (BHWs) para mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga komunidad. Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Inihain niya ang Senate Bill No. 1840 na kinikilala ang papel ng mga BHWs bilang mga community organizers, educators, primary health care service providers, at iba pa. Nakasaad sa panukalang batas ang mga iminumungkahing dagdag benepisyo at mga incentive na akma sa pangangailangan ng mga barangay health frontliners.

“Ang mga barangay health workers ang isa sa mga pinakamalapit sa ating mga kababayan sa paghahatid ng mga mahahalagang serbisyong pangkalusugan. Ngunit napag-iwanan na ng panahon ang mga benepisyong ibinibigay natin sa kanila, kaya naman panahon na upang ibigay sa kanila ang nararapat na mga benepisyo batay sa ginagampanan nilang mga responsibilidad,” ani Gatchalian.

Ayon sa senador, hindi na tugma ang aktwal na papel na ginagampanan ng mga BHWs sa mga benepisyo, sahod, at proteksyong nakasaad sa Republic Act No. 7883 o ang Barangay Health Workers’ Benefits and Incentives Act of 1995.

Kabilang sa mga iminumungkahi ng senador ang mga sumusunod: buwanang honoraria na hindi bababa sa P3,000, ngunit maaaring itaas batay sa prevailing market value; hazard allowance na itatakda ng local health board ng local government unit, ngunit hindi bababa sa P1,000 kada buwan; transportation allowance na hindi bababa sa P1,000 kada buwan; at one-time gratuity cash incentive na hindi bababa sa P10,000 para sa mga nakapagsilbi ng 15 taon.

Iminumungkahi din ng mambabatas ang mga discount privileges, benepisyong pangkalusugan, insurance coverage, sick at maternity leaves, libreng legal services, preferential access sa mga loan, training, education, at career enrichment programs, bukod sa iba pa.

Ipinagbabawal din ng panukalang batas ang diskriminasyon laban sa mga BHWs. Nakasaad sa panukalang batas na walang BHW ang tatanggalin sa pwesto maliban na lamang kung may matinding dahilan na tinukoy ang local health board. Mandato naman sa mga local health boards na bumuo ng mga grievance mechanism, kung saan ipoproseso ang mga reklamo ng mga BHWs laban sa mga umano’y diskriminasyon at hindi makatarungang pagkakatanggal sa pwesto.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -