26.5 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

Epekto ng mga programa at proyekto sa pamayanan, tinalakay sa M&E forum

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINAGAWA ang 1st South Luzon Inter-Island Mini M&E (Monitoring and Evaluation) Forum ng National Economic and Development Authority (NEDA) Mimaropa para ibahagi ang epekto ng mga programa at proyekto na naaayon sa isang komunidad at pangangailangan ng mamamayan hatid ng mga lokal na pamahalaan na may temang ‘Setting Sail: Navigating through Present M&E Initiatives in the Local Landscape’.

Ang aktibidad ay ginanap sa Crimson Hotel sa Alabang, lungsod ng Muntinlupa noong Nobyembre 7-8 na nilahukan ng 100 kinatawan mula sa rehiyon ng Calabarzon, Mimaropa, at Bicol.

Nagtatanong si Odiongan Romblon Mayor Trina Fabic (nakatayo sa dulong kanan) sa panel sa isinagawang open forum ng 1st South Luzon Inter-Island Mini M&E Forum na ginanap sa Crimson Hotel noong Nobyembre 7-8, 2023. (Larawan kuha ni Dennis Nebrejo/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro)

Sa pambungad na mensahe ni NEDA Undersecretary for Regional Development, Carlos Bernardo Abad Santos sa unang araw ng aktibidad, sinabi nito na “Ang layunin ng forum na ito ay upang magbibigay daan sa pagpapahalaga sa mga nakalipas at kasalukuyang programa at proyekto sa iba’t-ibang lugar na pinangunahan ng mga kalahok.”

Ibinahagi rin sa naturang gawain ang pamamaraan ng pag-monitor at ebalwasyon ng mga programa at proyekto pati ang pagsusukat kung may malaking epekto nga ba ang isang programa o naibigay ba ang tamang layunin sa isang proyekto.

Samantala, nagsilbing mga keynote speaker sina, Mario Espeso, general manager ng Labor Progressive Multi-Purpose Cooperative mula sa Bicol kung saan kanyang itinanghal ang magagandang nakasanayang M&E ng munisipalidad ng Labo. Sunod dito ay si Valter Morada ng NEDA Calabarzon at kanyang iprinisinta ang mga inisyatibo ng M&E sa isang lokalidad, Kassandra Barnes, Regional Communications Officer ng IDInsight na ibinahagi ang pamamaraan kung paano itatag ang magandang ulat at datos ng M&E.

Habang sina Russel Labog at Charmaine Samala-Guno ng Mindoro State University (MinSU) ay itinanghal ang pag-aaral ng State Universities and Colleges (SUC) sa rehiyon, ang Immediate Socioeconomic Impacts of Mindoro Oil Spill on fisherfolks of Naujan at pagtatanghal ng pag-aaral ng SUC at pribadong sektor sa Calabarzon na si Dr. Rico Ancog ng University of the Philippines-Los Baños Laguna.

Sa ikalawang araw ng aktibidad ay nagkaroon ng diskusyon tampok ang mga inisyatibo ng M&E, pagsasaliksik, mga polisiya at iba pa sa hamon, aktibidad at pag-aaral ng M&E gayundin ang mga magagaling na nakasanayang gawain.

Dumalo rin sa dalawang araw na aktibidad si Odiongan Romblon Mayor Trina Firmalo-Fabic at Calapan City Mayor Marilou Flores-Morillo. Sinabi ni Morillo, “Sa kasalukuyan, ang City Government ay mayroong aktibong City Project Monitoring and Evaluation Committee na kumikilos para sa mas epektibo at episyenteng programa at proyekto na direktang tumutulong sa paglago ng lungsod kasama ang taongbayan.” (DN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -