TINANGGAP ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 20 motorsiklo mula sa Joyride Philippines para sa Motorcycle Riding Academy (MRA), noong Lunes, Nobyembre 6, 2023.
Kasama din sa donasyon ng Joyride PH ang may 100 training vests, 25 cases ng mineral water, at tent.
Nagpasalamat si MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes kay Joyride Philippines Senior Vice President for Corporate Affairs Noli Eala sa kanilang suporta sa MRA sabay ng paglagda ng Deed of Donation and Acceptance.
“Makakaasa kayo na ang mga motorsiklo ay gagamitin sa tama at iingatan ng ahensiya para mas maraming kababayan ang makinabang sa mga motorsiklo,” sinabi ni Atty. Artes kay Eala.
Ipinaabot naman ni Eala ang kanyang pakikiisa sa layunin ng ahensiya para mas lalo pang maging ligtas at disiplinado ang mga nagmomotorsiklo.
Dagdag pa ni Eala, isa sa pinag-uusapan ng Joyride Philippines at MMDA ang posibleng pagsasanay ng mga Joyride riders para maging Motorcycle Emergency Responders (MERs).
Sa mga interesadong matuto ng wastong pag gamit ng motorsiklo, maaaring mag-enrol sa MRA gamit ang link na ito: https://forms.gle/UPPbryVoaKoiyxJE9 o mag-walk in sa MMDA MRA na matatagpuan sa Julia Vargas Avenue, corner Meralco Avenue, Pasig City. (JG/MMDA/PIA-NCR)