32.8 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Paalala sa Publiko: Libreng Pagsali sa mga Programa ng DoLE

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG publiko ay pinaaalalahanan na ang lahat ng mga programa at serbisyo  ng Department of Labor and Employment (DoLE) na naglalaan ng pondo para sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Accredited Co-Partner (ACP) ay maaaring ma-avail nang libre. Ginawa ang mga programang ito upang suportahan at itaas ang kalidad ng buhay ng ating mga kababayan na nangangailangan. Kung kaya’t walang anumang pinansyal na obligasyon ang sinuman o anumang grupo na nagnanais na makasali sa mga serbisyong ito.

Ang DoLE ay nagpapatupad ng zero-tolerance policy laban sa mga ACPs o indibidwal na nang-aabuso o nananamantala sa mga programa ng Kagawaran para sa pansariling kapakinabangan. Halimbawa nito ang paghingi ng anumang uri ng facilitation fees at kickbacks, misrepresentasyon, at iba pang gawain na nakasasama sa interes ng mga totoong benepisyaryo.

Ang sinumang ACP o indibidwal na mapatunayang lumabag sa mga alituntunin ng Kagawaran kaugnay sa implementasyon ng mga programa at serbisyo nito ay agad na ipapawalang-bisa ang akreditasyon at ilalagay sa watch-list. Ang hakbang na ito ay may layuning tiyakin na hindi na sila muli pang makakalahok sa mga programa ng DoLE.

Bilang karagdagan, ang publiko ay pinapayuhan na i-report agad ang anumang anomalya kaugnay sa implementasyon ng mga programa ng DoLE. Maaari kayong tumawag sa DoLE Hotline 1349 o sa pinakamalapit na DoLE Offices sa inyong lugar, na may mga numerong makikita sa DoLE website www.dole.gov.ph/key-officials/.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -