ILANG araw matapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), nanawagan ang Pamahalaang Lungsod ng Makati sa mga kandidato na i-donate ang mga ginamit nilang campaign tarpaulins.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga ginamit na campaign tarpaulins ay gagawing eco bags.
Ito ang adbokasiya ng pamahalaang lungsod para makabawas sa basura at makatulong sa ilang grupo para mai-recycle ang mga election tarpaulin.
Sa mga nais mag donate, dalhin lamang ang mga ginamit na campaign tarpaulins sa Office of the Mayor, 21st Floor, Makati City Hall. Makati City/PIA-NCR