26.5 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

Serbisyo ng pamahalaan hatid ng ‘LAB for ALL’ para sa mga Pangasinense

- Advertisement -
- Advertisement -

LIBU-LIBONG Pangasinense ang nabigyan ng libreng medikal, legal, at iba pang serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor nitong Oktubre 24 na ginanap sa Ramon J. Guico Sports and Civic Center sa bayan ng Binalonan, Pangasinan.

Mula kaliwa: Prospero De Vera 3rd (CHEd); Rex Gatchalian (DSWD); First Lady Marie Louise Araneta-Marcos; Fifth District Rep. Ramon Guico Jr.; Pangasinan Governor Ramon Guico 3rd; at Suharto Mangudadatu (Tesda) sa isinagawang LAB for ALL sa Binalonan, Pangasinan. (RPM/PIA Pangasinan)

Ito ay sa ilalim ng proyektong LAB for ALL o ‘Libreng Laboratoryo, Konsultasyon, at Gamot para sa lahat’ na inilunsad kamakailan ni First Lady Marie Louise Araneta-Marcos upang ilapit ang serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga residente na nasa rural communities.

“The LAB for ALL is not only about giving free medical services. Sabi ng asawa kong si President Ferdinand Marcos Jr., government should bring services to the people, make it closer to the people, and not the other way around,” ani Marcos.

Bukod sa pagbibigay ng mga gamot, sumailalim din ang mga benepisyaryo sa check-up sa lalamunan, mata, ngipin, at tenga.

Ipinamahagi rin ang diet supplement packages para sa buntis, foldable walkers, oral health family packs, pedia walkers, mga saklay, at wheelchairs.

Kabilang naman sa mga serbisyo sa laboratoryo ay ang electrocargiography, ultrasound, at X-ray.

“For the first time today, mayroong free legal services. Maraming salamat, Atty. Persida Acosta for bringing your legal team here,” pasasalamat ng first lady.

Samantala, nagpaabot ng food packs at tig-P2,000 na tulong pinansyal sa ilang pasyente ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Nagpi-financial assistance ang DSWD on the spot for the beneficiaries na need ng additional medical intervention na natukoy ng mga doktor. Kasi bagaman kumpleto na rito, minsan talaga ay mayroong mga cases na extreme na sasabihin ng doktor na mag-seek ng further medical checks,” ani Rex Gatchalian, kalihim ng DSWD.

“First time kong makatanggap ng ganitong serbisyo. Nakakuha ako ng pampatak sa mata para maibsan ang pananakit ng mata ko, at mayroon din akong natanggap galing sa DSWD. Sana ipagpatuloy ang ganitong serbisyo. Maraming-maraming salamat po,” pasasalamat ni Violeta Caraboso, benepisyaryo ng LAB for ALL.

Gayundin, nasa 600 na estudyante ang tumanggap ng tig-P15,000 subsidy mula sa Commission on Higher Education (CHEd).

Nag-alok naman ng ‘Programang Bigyang Halaga, Bangon Micro, Small, and Medium Enterprises’ ang Food and Drug Authority (FDA), at limang maswerteng Pangasinense ang nahandugan ng housing unit mula sa National Housing Authority (NHA) na nakatayo sa lungsod ng Urdaneta.

Ang Technical Education Skills and Development Authority (Tesda) naman ay namahagi ng mga starter tool kit at scholarships. (JCR/AMB/JCDR/PIA Pangasinan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -