27.1 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 1, 2024

Pasig, naglabas ng abiso ukol sa mga bawal dalhin sa mga sementeryo sa Undas

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINAGBABAWAL ang pagdala ng mga inuming nakakalasing, pagdadala ng baril at kahit anong uri ng patalim o matutulis na bagay.

Bawal din ang pagsusugal at mga kagamitan na makakalikha ng ingay o malakas na tunog.

Naglabas ng abiso ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ukol sa mga ipinagbabawal na dalhin sa mga sementeryo, memorial park o kolumbaryo.

Paalala rin sa mga indibidwal na may flu-like symptoms, iwasan muna ang pagbisita sa mga sementeryo kung maaari ay manatili na lamang sa tahanan upang maiwasan ang paglalaganap ng sakit.

Magdala rin ng mga panangga sa init at ulan. Magdala ng sapat na inumin at pagkain kung magtatagal sa sementeryo, memorial park, at kolumbaryo.

May mga nakatakdang first aid tent at police desk sa bawat sementeryo, memorial park, at sementeryo na matatagpuan malapit sa entrance.

Narito naman ang mga operating hours sa mga sementeryo sa lungsod:

Samantala, simula 2:00 PM ng October 31, 2023 (Martes) hanggang sa November 1, 2023 (MIyerkules), ay pansamantalang magiging one-way ang C. Raymundo Ave. (Northbound) mula sa E. Angeles St. hanggang sa Mercedes Ave. (Pasig City/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -