25.4 C
Manila
Martes, Disyembre 31, 2024

12 barangay sa Metro Manila, tatanggap ng pontoon barges mula sa DENR-NCR

- Advertisement -
- Advertisement -

LABINDALAWANG barangay sa Metro Manila ang nakatakdang makatanggap ng pontoon barges matapos lumagda ang Department of Environment & Natural Resources- National Capital Region, sa pamamagitan ng Manila Bay Site Coordinating/Management Office (MBSCMO) ng Memorandum of Agreement para sa pamamahagi nito.

Ang mga barangay na tatanggap ng pontoon barges ay ang mga sumusunod: Brgy. Muzon at Brgy. Bayan-Bayanan sa Malabon City; Brgy. 35 sa Caloocan City; Brgy. 661, Brgy. 677, at Brgy. 135 sa Manila City; Brgy. Gulod sa Quezon City; Brgy, Pineda at Brgy. Buting sa Pasig City; Brgy. Hagonoy at Brgy. Ligid Tipas sa Taguig City, at Brgy. San Dionisio sa Parañaque City.

Ang mga pontoon barges ay isa sa mga engineering intervention na ipinakilala ng DENR-NCR. Ang mga airtight plastic platform na ito ay gawa sa High-Density Polyethylene (HDPE) na materyal upang lumikha nang mas matatag na footing sa tubig.

Layunin ng Pontoon Barges na tulungan ang mga katuwang na barangay sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga daluyan ng tubig sa kanilang nasasakupan. Ito ay makatutulong sa pagpapadali sa mga barangay sa pagkolekta at pagdadala ng mga basura na napupunta sa katubigan.

Pinangunahan ni DENR-NCR OIC Assistant Regional Director for Technical Services, Engr. Henry P. Pacis, kasama ang iba pang mga opisyal at kinatawan mula sa MBSCMO, at ang apat (4) na Metropolitan Environmental Office West, North, South, at East ang ginanap na ceremonial signing noong Oktubre 20, 2023.

\Ipinaliwanag ni Pacis kung paano nauugnay ang mga ganitong uri ng interbensyon sa Manila Bay Rehabilitation Program at kung paano tutulungan ng DENR-NCR ang mga LGU at mga barangay.

“Ang ceremonial turnover na ito ay nakaangkla sa Manila Bay Rehabilitation Program at nakatuon sa mga probisyon ng batas na Republic Act 9003 o ang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000,” pahayag ni Pacis.

“Ang DENR-NCR ay hindi magsasawang tulungan kayo, ang mga lokal na pamahalaan, upang matulungan sa pagpapanumbalik nang maganda at mabuting estado ng kapaligiran at likas na yaman sa inyong mga nasasakupan,” dagdag pa nito.

Patuloy ang paghahanap ng DENR-NCR ng mga paraan upang matugunan ang mga isyu na may kinalaman sa kapaligiran at Manila Bay.

Ang mga interbensyon ay maliit na bahagi lamang nang ginagawa ng tanggapan upang mapanatili ang pakikipagtulungan sa mga LGU at barangay sa patuloy na pangangalaga ng kalikasan. (DENR-NCR/PIA-NCR)

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -