25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

San Diego E.S.sa Batasan Hills, QC ibinida ang kanilang ‘sky garden’

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINIDA ng San Diego Elementary School sa Brgy. Batasan Hills ang kanilang kinikilalang urban garden na “sky garden” sa mga kawani ng DENR National Capital Region na nabubuhay at umuunlad sa pinakataas na palapag ng gusali nito.

Ang tinaguriang ‘sky garden’ ng paaralan ay naglalaman ng iba’t ibang uri ng gulay gaya ng pechay, calamansi, talong, sitaw, okra, gabi, sili, at iba pa.

Mayroon din itong mga livestock gaya ng mga manok, pabo, at pato.

Buhay na buhay rin dito ang mga tilapya at hito sa pamamagitan ng aquaponics at mayroon ding hydroponics, organic composting, at coffeeshop.

Ayon sa DENR-NCR, ang mga urban garden at urban farm sa mga paaralan ay mahalaga, ito ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng mga greenspaces sa rehiyon, bukod sa iba pang mga mahahalagang beneipisyo na naibibigay nito.

Patuloy ang paghikayat ng DENR-NCR sa mga pampubliko’t pambridaong paaralan sa Metro Manila na mag-umpisa at panatilihin ang mga ganitong gawain para sa pagpapatibay at pagpapalawig ng mga altibidad na makatutulong sa pagprotekta at pangangalaga kapaligiran.

Ang DENR-NCR ay bukas din sa pagbibigay ng mga libreng punla ng mga fruit-bearing tree at gulay sa publiko, kabilang na ang mga eskwelahan. (Alaine AllanigueA/DENR-NCR/PIA-NCR)

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -