29.1 C
Manila
Lunes, Pebrero 3, 2025

Mga dapat tandaan sa Undas 2023 sa Muntinlupa

- Advertisement -
- Advertisement -

INIHAYAG ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang iskedyul ng mga aktibidad gayundin ang mga alituntunin para sa paggunita ng All Saints at All Souls, kabilang ang mga hotline number para sa mga emergency sa panahon ng undas.

Nanawagan din si Mayor Ruffy Biazon sa mga Muntinlupeño na ipagdiwang ang “Undas” nang ligtas at naaangkop. “Let us all take this season to celebrate the legacy of our departure loved ones in a safe and meaningful manner. Gunitain po natin ang Undas nang maayos at ligtas,” sabi pa ng alkalde.

Ang paglilinis at pagpapaganda ng mga lapida at libingan ay papayagan lamang hanggang Sabado, Oktubre 28, 2023. Ang lahat ng mga sementeryo at memorial park ng Lungsod ay magbubukas mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1 sa pagitan ng ala-6 ng umaga at ala-6 ng gabi.

Gayundin, walang mga libing o cremation ang papayagan sa pagitan ng Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 maliban sa mga espesyal na kaso.

Mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng sementeryo, memorial park, at columbaria sa lungsod ang mga aktibidad tulad ng pagsusugal at pag-inom ng mga inuming may alkohol, kasama ng mga baril, matutulis na bagay tulad ng mga kutsilyo o mga box cutter, at mga materyales na nasusunog.

Ang pagtitinda, paggamit ng videoke o sound system sa mga libangan, at magdamag na pananatili sa sementeryo o memorial park ay ipinagbabawal din. Hindi papayagan ang paradahan malapit sa lugar ng pampublikong sementeryo ng lungsod.

Hinikayat din ni Biazon ang mga Muntinlupeño na i-save ang emergency hotline numbers ng lungsod: 1) 137-175; 2) 8373-51-65; 3) 0921-542-7123; at 4) 0927-257-9322. “Paalalahanan namin ang lahat na gamitin ang mga numerong pang-emergency na ito nang may pananagutan. Huwag makipaglokohan na tawagan ang mga numerong ito dahil ito ay maaaring literal na magdulot ng kapahamakan o kamatayan para sa iyo o sa iyong mahal sa buhay.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -